February 23, 2025

Home SHOWBIZ Events

Mungkahi ni Ogie sa MMDA, gawin na lang hanggang 8 pelikula sa 2025 MMFF

Mungkahi ni Ogie sa MMDA, gawin na lang hanggang 8 pelikula sa 2025 MMFF
Photo Courtesy: Ogie Diaz, MMDA (FB)

Nagbigay ng suhestiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa susunod na 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa Facebook post ni Ogie noong Huwebes, Disyembre 26, sinabi ni Ogie na baka pwede raw ikonsidera ng MMDA na limitahan ang ilalahok na pelikula sa naturang film festival.

Ayon kasi kay Ogie, magastos ang pagsalita sa film fest tulad ng MMFF na sampung pelikulang Tagalog ang naglalaban-laban.

Kaya mungkahi niya sa MMDA, “Baka mai-consider nyong 6 to 8 entries na lang next year para malaki ang chance na kumita lahat.  O kahit man lang maibalik ang puhunan. Lalo na at nandiyan ang mga streaming platforms kung ayaw na nilang lumabas ng bahay para manood ng sine,” saad ni Ogie.

Events

Boy Abunda Kapuso pa rin: 'This has always been my home!'

“Mabibilib ka lang talaga sa mga producers sa desire nilang maibalik ang sigla ng panonood ng sine ng mga tao,” dugtong pa ng showbiz insider.

Samantala, base naman sa inilabas niyang listahan tungkol sa kung aling pelikula sa MMFF ang nangunguna, makikitang nasa tuktok ang “And The Breadwinner Is…” ni Jun Robles Lana.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, isiniwalat nangungunang pelikula sa 2024 MMFF