December 28, 2024

Home BALITA National

DOH, nakapagtala ng 284 aksidente ngayong Kapaskuhan; mas mataas kaysa 2023

DOH, nakapagtala ng 284 aksidente ngayong Kapaskuhan; mas mataas kaysa 2023
photo courtesy: John Louie Abrina/MB

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na umaabot sa kabuuang 284 aksidente sa kalsada ang kanilang na-monitor ngayong holiday season.

Sa datos ng DOH, nabatid na ang mga naturang aksidente sa lansangan ay naiulat mula sa walong pilot sites na under the monitoring ng DOH, simula Disyembre 22 hanggang 6:00AM ng Disyembre 27 lamang.

Ayon sa DOH, ito ay 9% na mas mataas kumpara sa naitala noong taong 2023 sa kaparehong petsa.

Nabatid na 53 naman sa mga naturang insidente ay kinasasangkutan ng mga drunk drivers, 249 na kinasasangkutan ng mga driver na walang safety accessories, at 196 ang kinasangkutan ng mga motorsiklo.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng DOH ang mga motorista na huwag magmaneho kung inaantok, pagod o nakainom upang makaiwas sa aksidente.

Payo pa ng DOH, bago bumiyahe ay dapat tiyakin ng mga motorista at kanilang mga pasahero na sila ay nakasuot ng helmet at seatbelt.

Dapat din umanong obserbahan ang tamang speed limit at sundin ang mga road signs.

Paalala pa ng DOH, mas magandang magkaroon ng pito hanggang walong oras na tulog bago bumiyahe at iwasan ang anumang distraksiyon gaya ng mobile phones habang nagmamaneho.

Sakali naman anilang mangailangan ng tulong o magkaroon ng emergency, maaaring tumawag sa 911 emergency hotline o 1555 DOH emergency hotline.