Hindi maipagkakailang marami ang nag-aabang ng kani-kanilang kapalaran sa tuwing sasapit ang Bagong Taon. Tila naka-ugat na rin kasi sa kultura ng mga Pilipino ang paniniwala sa pagkakaroon ng malas at swerte.
Kaya naman para sa mga humohopya na ‘ika nga nila ay maka-bounce back sa bagong taon, narito ang pasilip sa kapalaran ng 12 Chinese Zodiac Signs sa 2025.
Sa eksklusibong panayam ng Balita sa kilalang Feng Shui expert na si Master Hanz Cua, ibinahagi niya ang ilan sa mga posibleng maaaring maging takbo ng kapalaran sa pagpasok ng Year of the Wooden Snake.
Ano nga ba ang Year of the Wooden Snake?
Ipinaliwanag ni Master Hanz ang dalawang elementong bitbit ng Wooden Snake. Ayon sa kaniya: “Ang wood element po na Yin Wood is more on beauty, parang vines."
Dagdag pa ni Master Hanz, ang Yin Wood daw ay maraming katangiang katulad ng isang tao.
“Ibig sabihin, kumakapit siya sa ibang tao for support. Ang Yin Wood also is parang bamboo wherein makakapag-adapt sa mga changes. Yin Wood is a flower. Flower is more on branding, pampaganda, [about] beauty, how to boost yung confidence, PR, networking, marketing, negotiation, ‘yan po ang Yin Wood,” ani Cua.
Pagdating naman sa Snake element, tila may babala ring iniwan ang Feng Shui expert patungkol sa mga pagtatraydor umano na maaaring maranasan sa 2025.
“Ang snake, kahit sabihin mong tumatakbo ‘yan, puwedeng bigla mag-strike ‘yan. Nangangagat, may pangil, may venom [kasi] ang snake. Sa ating mga tao, ang puwede nating bantayan dito is yung snake na ‘to, pwedeng betrayal so, huwag tayong kampante. Akala natin yung mga kausap, mga ka-deal natin ay mabait, yun naman pala, bigla naman palang may betrayal, puwede tayong biglang kagatin, bigla niya tayong i-backstab,” paglilinaw ni Master Hanz.
Ang Year of the Wooden Snake sa 2025
Tila may babala naman si Master Hanz para sa 2025, lalo na umano sa usapin ng kalusugan.
“This year, bagama’t wala na, tapos na yung pandemic, ang illness, ang sickness ng mga tao ngayong taong ito ay magiging major issue nila sa tahanan, sa bahay, sa family, sa lugar, sa neighborhood o sa society natin. Kailangan pa ring pangalagaan ang kalusugan,” saad ni Master Hanz.
Samantala, narito naman daw ang magiging takbo ng 12 Chinese Zodiac sa 2025, dulot ng direktang epekto ng Year of the Wooden Snake.
Year of the Rat (1984, 1996, 2008, 2020)
Pagdating sa finances o money mo, bantayan [dahil] posible ang scam, cheating or betrayal. If it's too good to be true, it is not true. [Pagdating] sa usapang love life, sa year of the rat, puwedeng masira. Bantayan ang relationship. Puwedeng maloko ng partner, ng jowa, o ng asawa. Posible ang third party.
Year of the Ox (1985, 1997, 2009, 2021)
Ang Year of the Ox, isa sa allies o good friends ni Year of the Snake. Dahil allies o good friend si Year of the Snake, magandang taon ‘to dahil may opportunity star. Mayroon kang wealth gain. Mayroon kang success or opportunity. Marami kang wealth gain, mayroon kang success or opportunity. Sa family, sa relationship, this year, if you're year of the ox, magandang mag-baby na snake.
Year of the Tiger (1986, 1998, 2010, 2022)
Sa mga Year of the Tiger this year, medyo low ang drive mo, low ang energy mo. Marami kang puwedeng pasukin, pero yung pinapasok mo, puwedeng mag-put into trouble. So mag-double plan ka, double [na] pag-isipan mo. Medyo traumatic, problematic, challenging din ang pag-ibig ng Tiger.
Year of the Rabbit (1987, 1999, 2011, 2023)
Sa mga Year of the Rabbit sa 2025, nasa inyo ang tinatawag na wealth multiplication. If you're nasa business, maganda ang business expansion. [Kung nasa] isolation career ka, maganda ang career promotion ng year of the rabbit. Hataw kayo. Sa love life, may fertility o may baby rin para sa mga ipinanganak ng year of the rabbit ngayong taong ito.
Year of the Dragon (1988, 2000, 2012, 2024)
Tapos na ang Dragon Year 2024, marami kang project deals na natengga, na na-delay last year, [pero] sa 2025, puwede nang umikot. Masaya na ulit ang love life mo. Sa mga last year na mga troubles, maaayos mo na [kasi] kaya namang pag-usapan, dahil ang pagiging hands-on mo, nakasalalay ang iyong tagumpay.
Year of the Snake (1989, 2001, 2013, 2025)
If you're Year of the Snake, ang kailangan mong bantayan ngayon, yung success and victory star, ang dragon at ang snake ngayon taon na ‘to (2025). Parehas ang dragon and snake na may success. Success in what sense? Pagdating sa takbo ng love life mo, yes, sa mga single, may love star sila. Sa year of the snake, kung dalawa kayong mag-asawang snake, magandang may isa pang baby para tatlong snake sa bahay [para] suwerte.
Year of the Horse (1990, 2002, 2014, 2026)
Nasa kanila ang heaven blessing star. Magbigay ka ng opportunity sa ibang tao. Huwag kang mayabang sa subordinates mo na feeling mo, ikaw yung [may-ari] ng kumpanya. This year, maganda ang career at success ng Year of the Horse.
Year of the Goat (1991, 2003, 2015, 2027)
Ang Year of the Goat this year, nasa kanila naman ang Money Star o Wealth Star. So if you're Year of the Goat, [maging] hands-on [ka] sa negosyo, hands-on sa career, para hands-on ang suwerte.
Year of the Monkey (1992, 2004, 2016, 2028)
Year of the Monkey is the bestie. Good friend ‘yan ni Year of the Snake. Kaya naman may opportunity star at money star.
Year of the Rooster (1981, 1993, 2005, 2017)
Very good din ang mga Year of the Rooster. Pagdating sa tinatawag nating mga wealth, pagdating sa negotiation, may mga deals ka sa mga clothes, marami kang mabebenta. May opportunity star din. Pagdating sa love life mo, magandang magkaroon ka ng baby na [nasa year of the] snake. Kasi compatible ang rooster at snake. Maganda ang snake, rooster, and ox ngayong 2025, pati na monkey. Suwerte ka rin sa pag-ibig, negotiations o sales, at nasa iyo ang examination luck star.
Year of the Dog (1982, 1994, 2006, 2018)
Marami kang pera, opportunity, at blessing, maraming mga tumutulong, uulanin ka ng suwerte. Kailangan mong maging hands-on para hands-on din ang suwerte.
Year of the Pig (1983, 1995, 2007, 2019)
Kalaban ng Pig ang Snake, so sa Year of the Pig, kailangan mong bantayan ang tinatawag nating bad year, may Tai Sui clash siya, may anger and misunderstanding din. Sa pambabash, pag-commit ng negative o pagpipirma ng mga kung anong mga kontrata, puwede kang makasuhan at mag-entangle sa mga legal suit at legal battle.
Ang Pilipinas sa Year of the Wooden Snake
So, overall, this year, sa Philippines, marami pa ring struggles, challenges, difficulty pero marami ring opportunity na darating lalo na pagdating after ng March, April, at May. For the latter part of the year, mas kalmado, mas chill. Marami pa ring mga bagyo, trahedya at mga calamities na puwedeng mangyari ulit sa Philippines.
Ilan lamang ito sa mga nakikitang magiging takbo sa susunod na taon. Sa kabila ng mga pampasuwerte at pangkontra-malas na mga bagay, katulad ng kasabihan, nasa tao pa rin ang ikagaganda ng kanilang buhay.
Ikaw? Anong nilu-look forward mo sa 2025?