Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na muling masusing pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang 2025 national budget.
Sa pamamagitan ng Viber message, inihayag ni Bersamin sa media nitong Huwebes, Disyembre 26, 2024, na kasalukuyan na raw pinag-aaralan ni PBBM at kaniyang gabinete ang panukalang budget para sa susunod na taon.
“The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration," ani Bersamin.
Nakatakda umanong pirmahan ng Pangulo ang 2025 national budget sa darating na Disyembre 30, sabay sa magiging paggunita ng Rizal Day.
KAUGNAY NA BALITA: ₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO
Dagdag pa ni Bersamin: “The President has been most prudent in programming and spending of our limited fiscal resources.”
Matatandaang naunang ipagpaliban ni PBBM ang kaniyang paglagda sa nasabing ₱6.352 trilyon pondo para sa susunod na taon, kung saan iginiit ni Bersamin na maaari daw may i-veto ang Pangulo mula sa mga probisyong naunang ipasa ng Senado at Kamara noong Disyembre 11.
KAUGNAY NA BALITA: Bersamin, kinumpirma posibilidad na 'pag-veto' ni PBBM sa ilang probisyon ng 2025 nat'l budget