December 27, 2024

Home BALITA National

Pagtayo ni FPRRD bilang abogado ni VP Sara, walang problema—solon

Pagtayo ni FPRRD bilang abogado ni VP Sara, walang problema<b>—solon</b>
Photo courtesy: House of Representatives/Facebook

Iginiit ni Surigao Del Norte Second District Representative Robert Ace Barbers na wala raw siyang nakikitang problema kung isa si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatayong abogado ni Vice President Sara Duterte sa pagharap niya sa tatlong impeachment complaints niya. 

Sa panayam ng TeleRadyo kay Barbers nitong Huwebes, Disyembre 26, 2024 ipinaliwanag niya ang karapatan umano ni VP Sara na pumili ng kaniyang abogado para sa kaniyang mga kaso. 

“Karapatan naman ng kahit sinong humaharap sa isang trial lalo na itong impeachment trial ang pumili ng kanyang abogadong magdidipensa sa kanya and that is guaranteed by not just the Constitution but the rules ng ating Kongreso,” ani Barbers. 

Dagdag pa ng mambabatas: “So, wala akong nakikitang magiging problema diyan. It is the choice of the vice president kung sino yung kanyang pipiliin.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang kinumpirma ni VP Sara sa media noong Miyerkules, Disyembre 25 na nakahanda at nag-volunteer daw ang kaniyang amang si FPRRD na maging abogado niya kung sakaling matuloy at umusad ang impeachment laban sa kaniya. 

Samantala nilinaw rin ni Barbers na wala pa raw gumugulong na usapin ng impeachment sa Kamara.

“Hindi pa naman pinag-uusapan ang impeachment dahil hindi pa, kahit sa ‘min sa kongreso wala pang usapan tungkol diyan. So I don't know kung anong mga usapin tungkol diyan sa mga nai-file sa Kongreso. Ang mangyayari, pagbukas ng Kongreso. Hindi ko alam 'yan," saad ni Barbers. 

Mayroong tatlong impeachment cases laban sa Pangalawang Pangulo na inihain ng civic organizations, iba’t ibang progresibong grupo at ng ilang religious group. 

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment complaint vs VP Sara, ihahain iba’t ibang grupo – Akbayan

KAUGNAY NA BALITA: Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

KAUGNAY NA BALITA Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, inihain ng mga pari, abogado