"Sana ginamit ko na lang sa sarili ko yung pera o kaya sa ibang tao na makaka-appreciate."
Tila maraming naka-relate sa isang netizen na nagbigay ng regalo sa kaniyang pamilya pero ang ending, hindi raw na-appreciate ang mga binigay niya.
Sa online community na Reddit, ibinahagi ng netizen ang saloobin niya tungkol sa kaniyang pamilya nang magbigay siya ng regalo.
"Iritang-irita talaga ako these past few days. Bibigyan ko ng JisuLife yung kapatid ko since pawisin siya at para may magamit siya habang nakabakasyon siya rito. Ang comment ay lugi raw siya sa regalo ko kasi binilhan niya ako ng mga sapatos. Unang-una, hindi ko naman hiningi yung isa pair. Pangalawa, yung other pair ay pasabuy at babayaran ko rin naman," anang uploader.
Dagdag pa niya, "Ngayon naman ay yung tatay ko nag-iinarte dahil sa damit. Ayaw niya raw ng shorts na binili ko. Sinabi pa na ipapalit na lang kung saan nabili kahit malayo."
"Sana ginamit ko na lang sa sarili ko yung pera o kaya sa ibang tao na makaka-appreciate."
Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang rant ng netizen na tila ba naka-relate rin sila.
"I used to give cash to my family members and relatives every Christmas. Nasanay sila to the point na they felt na obligasyon ko na bigyan sila every year. What stopped me from this delusion of “Christmas giving” was when I heard from my mom that my father asked “bat eto lang?” to the hard-earned money I gave him as gift on top pa sa premium alak na gift. So yes, valid yang nararamdaman mong inis, OP. Tama ka na gamitin mo na lang yung pera mo sa susunod sa sarili mo o sa mas marunong mag appreciate sa mga ibibigay mo."
"Hay bakit kaya ganun mga parents natin no hahaha parang ang hirap hirap sa kanilang maging grateful"
"Isa to sa mga toxic Filipino traditions. Most Filipino parents, sometimes, even other relatives, expect their children/the younger ones to give back once sila na yung kumikita. For them, the act of raising their children, providing for their needs and such, ay utang na loob na dapat bayaran sa kanila. They fail to realize that raising their family is their responsibility. Tapos may mga ganito pang eksena pag holidays. Masyado nang commercialized ang pasko ngayon."
"That's why my saying in life is "Walang masamang magbigay. Pero Wala ring masamang Hindi magbigay" Kasi the moment you stop giving them something despite providing them for a long time, magigiging masama ka na"
"I totally get you OP. Nakakasama talaga ng loob pag binibilangan ka pa, di ba pwedeng magthank you na lang sila then yung comments nila wag na iparinig sa nagregalo??"
"hay kaya ako nawawalan din ng gana magregalo sa mga magulang ko. Sasabihin laging "yun lang? wag nalang kung ganon" edi sge wag nalang talaga! "
"Oo wag na nga, or if magbibigay ka perahin mo na lang, pero yung pera na sakto lang din sa inallot mong budget for them, set boundaries even sa family mo lalo kung di naman nila na appreciate mga ginagawa or binibigay mo."
"Uy, my people! Grabe nakakasawa nalang. Ikaw na nag magandang loob pero ang dami pa nilang sinasabi."
NTGM