Naaresto ng pulisya ang isang 75 taong gulang na lola matapos siyang mahulihan ng ilegal na droga sa pagbisita niya sa Legazpi City Jail.
Ayon sa ulat ng Brigada News FM Bicol nitong Huwebes, Disyembre 26, 2024, sa kulungan na umano nag-Pasko ang nasabing matanda matapos marekober sa kaniya ang tinatayang limang grams ng shabu na nagkakahalaga raw ng ₱34,000.
Bibisita raw sana ang lola sa nasabing kulungan ngunit nadiskubre ang nasabing shabu nang dumaan daw ito sa Bureau of Jail Management and Penology Inspection Area. Sa naturang inspeksyon, nakatago raw ang ilegal na droga sa maselang bahagi ng katawan ng suspek pati na rin sa kaniyang bulsa.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa matanda na lumalabas sa imbestigasyon ng Legazpi City Philippine National Police ay maaari daw itong masambahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.