December 27, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kuda ni Bela Padilla kung bakit 'chaotic' ang airport, umani ng reaksiyon

Kuda ni Bela Padilla kung bakit 'chaotic' ang airport, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Bela Padilla (IG)/Freepik

Usap-usapan ng mga netizen ang naging saloobin ng aktres na si Bela Padilla kaugnay sa lagay ng airport na mababasa sa kaniyang X post noong Disyembre 24.

Noong Disyembre 23, nagtanong si Bela sa netizens kung kumusta ang sitwasyon ng isang terminal ng isa sa mga pangunahing paliparan sa bansa, lalo na't Yuletide season.

"Has anyone here flown from NAIA terminal 3 for a domestic flight on Christmas’ eve before? If you have, how crazy was it? (so I know how early I should be at the airport) ," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Bela Padilla (X)

Sa kaniyang X post naman noong bisperas ng Pasko, Disyembre 24, nagbigay ng kaniyang pananaw si Bela kung bakit sa palagay niya, "chaotic" o magulo ang airport, na bagama't wala siyang direktang binanggit kung saang bansa, ay ipinagpalagay ng mga netizen na sa Pilipinas, dahil sa ginamit niyang panghalip o possessive pronoun na "ours."

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

"Of all the airports in the world…one of the major reasons ours are so chaotic is because no one listens or wants to line up when told to and the same people will get angry when things don’t go their way haaaay…happy holidays!!!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Bela Padilla (X)

Sagot naman ng isang netizen, "Or it is chaotic because the airline and airport management system to run the whole operation is also chaotic and ineffective?"

Tugon naman ni Bela, "Not really…boarding was on time and they called out the groups by number the airport supplied more chairs than usual."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"No, it’s not the people."

"It's the me, me, me mentality of Filos. Have a safe flight. Happy holidays!"

"actually, it's just not at your Airport, it's all over the world...primarily in the States though, due to rising cost per per passenger; depending on airline, country of departure/destination + cost per night at the when reserving your room(s) and so on"

"Is this your personal experience, once or twice? Which airport? Please be specific. You are entitled to your own opinion, but do not generalized, because this is NOT always the case. Most of my at least 60+ flights in 2024 in various airports in the Philippines were in order and hassle-free."

"So true!"

"Kulang kasi sa disiplina ang mga Pilipino pero nangunguna din sa pagkareklamador pag sila na nakaranas ng inconvenience. How ironic."

Ikaw, anong palagay mo tungkol dito?