Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Agusan del Sur nitong Huwebes ng gabi, Disyembre 26.
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 6:26 nitong Huwebes.
Naitala anila ang epicenter ng lindol sa Talacogan, Agusan del Sur na may lalim ng 12 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Niatala ang Intensity IV sa Bislig at Hinatuan, Surigao del Sur; Intensity III sa Gingoog, Medina, Magsaysay, at Jasaan Misamis Oriental; Nabunturan, Mabini, Monkayo, at Laak Davao de Oro; Barobo, Surigao del Sur.
Intensity II naman sa Maco, Davao de Oro; Cagwait, Surigao del Sur; Cagayan de Oro City ; Villanueva at Tagoloan, Misamis Oriental; Kabacan at Matalan, Cotabato habang Intensity I naman sa Caraga, Davao Oriental; Davao City, at Antipas, Cotabato.
Dagdag pa ng ahensya, inaasahan ang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.
Samantala, niyanig muli ang Talacogan, Agusan del Sur dakong 7:29 ng gabi ng magnitude 4.8 na lindol.
May lalim itong 10 kilometro. Gayunman, ayon sa Phivolcs, walang inaasahan na pinsala at aftershocks matapos nito.