December 26, 2024

Home BALITA National

PNP, walang naitalang kaso ng krimen sa pagsalubong ng Kapaskuhan

PNP, walang naitalang kaso ng krimen sa pagsalubong ng Kapaskuhan
Photo courtesy: PNP/Facebook, Pexels

Inihayag ng Philippine National Police na naging mapayapa raw ang pagsalubong sa Kapaskuhan ngayong 2024. 

Sa panayam ng media kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo iginiit niyang “no significant untoward incident” daw ang naitala ng PNP sa buong bansa.

“Generally peaceful naman po nationwide as no significant untoward incident recorded po,” ani Fajardo.

Matatandaang nauna na ring sabihin ng PNP na naging mapayapa rin umano ang siyam na araw ng Simbang Gabi ng mga Pilipino at sinabing nakatuon na rin daw ang kanilang atensyon sa mga establisyemento at bus terminal hanggang sa matapos ang holiday season.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“Yung ating focus naman ngayon na babantayan ay doon sa ating mga major transportation hubs, mga malls, at mga iba pang establisyimento, mga night markets dahil inaasahan nga po natin na yung mga hahabol pa para po sa bisperas po ng Pasko ay mamimili po at mag-iikot po ngayon,” saad ni Fajardo.

Ayon sa tala ng PNP noong 2023, umabot sa 34 ang mga krimeng kanilang naitala, na tinatayang mas mababa raw ng 66% mula sa 101 mga insidente noong Disyembre 24, 2022.