Patuloy na nakararanas ng masamang panahon ang iba’t ibang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng shearline sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, Disyembre 25, 2024, patuloy na iiral ang masamang panahon bukas, Disyembre 26 hanggang Sabado, Disyembre 28.
Ang shear line o ang linya kung saan nagsasalubong ang mainit at malamig na hangin ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms.
Kasalukuyang nakakaapekto ito sa Eastern Visayas, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA at ilang bahagi ng Mindanao partikular sa Surigao del Sur, Surigao del Norte at Davao Oriental.
Samantala, makararanas ng heavy rainfall warning bukas, Disyembre 26 ang mga probinsya ng Aurora, Quezon, Camarines Norte at Camarines Sur at Catanduanes. Habang Moderate to Heavy rainfall (50-100 mm) naman ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Albay, Sorsogon, Masbate, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro at Northern Samar.
Nakataas pa rin ang Heavy rainfall warning sa Disyembre 27 sa mga probinsya ng Aurora, Quezon at Isabela. Habang Moderate to Heavy (50-100 mm) rainfall naman sa Cagayan, Apayao, Camarines Norte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
Mananatili rin ang heavy rainfall warning sa mga probinsya ng Cagayan at Isabela sa Disyembre 28 habang Moderate to Heavy (50-100 mm) rainfall naman sa Apayao, Aurora
Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
Pinalalahanan din ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices na maghanda bunsod ng patuloy at kalat-kalat na pag-ulan.