December 26, 2024

Home BALITA National

For the first time in PCSO history: PCSO, may Christmas at New Year lotto draw

For the first time in PCSO history: PCSO, may Christmas at New Year lotto draw
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng Christmas day at New Year's day lotto draw ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kaya naman inaanyayahan ng PCSO ang publiko na tumaya na ngayong Pasko dahil aabot na sa ₱200.5 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na bobolahin ngayong gabi, 9 PM.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon sila ng Christmas Day at New Year’s Day Draw, kaya’t hinikayat ang publiko na samantalahin ito.

“For the first time in PCSO history, we will have a Christmas Day draw, and a New Year's Day draw,” ani Robles.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Matatandaang simula noong nakaraang taon, sinimulan ng PCSO ang pagsasagawa ng agresibong lotto marketing campaigns na tinawag nilang ‘Handog Pakabog’ jackpot.

Sa ilalim ng naturang kampanya, itinaas ang jackpot ng kanilang lotto games, kabilang na ang Lotto 6/42, MegaLotto 6/45, SuperLotto 6/49, GrandLotto 6/55, at UltraLotto 6/58, ng mula ₱89 milyon, ₱90 milyon, ₱100 milyon at ngayon ay ₱200 milyon.

Ikinatuwa naman ni Robles na ang kanilang jackpot raising campaigns ay naging matagumpay at higit pang nagpalaki sa kita ng lotto.