December 25, 2024

Home BALITA National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'
Photo courtesy: screenshot from Bongbong Marcos/Facebook

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagbati ng First Family ngayong Kapaskuhan. 

Sa pamamagitan ng opisyal na social media accounts ng Pangulo, ibinahagi ng First Family ang isang video presentation laman ang kanilang mensahe para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng sambayanang Pilipino.

“Sa kabila ng anumang pagsubok o pinagdadaanan, hindi maiaalis sa atin ang magdiwang simple man ang pamamaraan,” nang Pangulo.

Tampok naman ang magagandang pasyalan sa bansa, iminungkahi naman ni First Lady Liza Marcos ang pagbisita sa mga ito ngayong holiday season.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

“Bisitahin ang mga tanawin sa ating bansa,” saad ng First Lady.

Pagbisita naman sa mga probinsya at lokal na komunidad ang isinaad ni Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

“Panoorin ang makikislap at makikinang na mga palamuti sa ating mga syudad o probinsya,” anang mambabatas.

Magagandang simbahan naman ang ibinida sa mensahe ng isa pang anak nina PBBM at First Lady na si Joseph Simon Marcos.

“Dalawin ang mga magagandang simbahan,” ani Simon.

Habang pagsasama-sama naman ng pamilya at kaibigan ang mensahe ng bunsong anak nina PBBM na si William Vincent Marcos.

“Kumain kasama ang pamilya at mga kaibigan,” saad ni Vincent.

Dagdag pa ni PBBM: “Ang Pasko sa Pilipino ay Pamilya. Kami po ay bumabati sa inyo ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.”