December 26, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024
Photo courtesy: screenshot from Ogie Diaz/YT, Jamie Bautista, Diwata,Tito Mars, Boy Dila, Jed Bacalso,Jen Barangan,Boy Tapang/Facebook,ABS-CBN News/website

Tila pinatunayan ng taong 2024 na ang social media influencers ay instant celebrity na nga rin dahil sa maingay nilang pagdomina sa iba’t ibang platforms at endorsements. Katulad ng mga artista, hindi rin exempted sa kabi-kabilang isyu, intriga, at kontrobersiya ang social media influencers. 

Kaya naman bago tuluyang sumapit ang 2025, narito ang pagbabalik-tanaw sa ilang social media influencers na nagkaroon ng pasabog ngayong 2024.

Anthony Leodones at Jaimie Bautista 

Sinalubong naman ng isang malungkot na balita ang fans ng couple na social media influencers na sina Anthony Leodones at Jamie Bautista noong Pebrero matapos kumalat ang isyu ng kanilang hiwalayan. 

Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

Matatandaang si Jamie ang unang nagkumpirma ng nasabing breakup nila ni Anthony matapos ang siyam na taong pagsasama, kung saan iginiit niya na hindi niya raw namalayan na tila unti-unti raw siyang nauubos sa kanilang relasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: Unti-unting naubos! Hiwalayan ng mag-jowang influencers, nagpa-shookt sa followers

Nakilala ang dalawa sa social media contents na puno ng katatawanan at mga personal vlogs patungkol sa kanilang relasyon. 

Samantala, matapos naman ang kumpirmasyon ng ‘ika nga nila’y “mutual decision” nilang hiwalayan, noong Mayo ay umugong naman ang usap-usapang muling nagkabalikan ang couple influencers.

KAUGNAY NA BALITA: Anthony rumesbak sa nagsasabing 'forda content' lang break-up nila ni Jamie

Poca at Chardie B

Matapos ang sunod-sunod na collaborations ng content creators na sina Poca at Chardie B, noong Mayo rin nang makumpirma na “friendship over” na ang dalawa. 

Sa pamamagitan ng TikTok video, binasag ni Chardie B ang kaniyang pananahimik kaugnay ng bali-balitang nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Paglilinaw niya, magkaiba na raw kasi sila ng landas na tinatahak ng kaniyang “mhie” at sadyang hindi na raw talaga puwedeng ipilit pa ang kanilang koneksyon.

Boy Tapang 

Hindi naman nakalusot sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pakulo ng content creator na si Boy Tapang matapos niyang gawing saranggola ang ilang libong pera. 

KAUGNAY NA BALITA: Boy Tapang, sinita ng Bangko Sentral dahil ginawang saranggola ang pera

Ibinahagi ni Boy Tapang ang video ng personal na pagpunta sa kaniya ng ilang kinatawan ng BSP dahil umano sa paglabag niya sa Presidential Decree No. 247 na nagbabawal sa mga hindi wastong paggamit ng salapi ng Pilipinas

Rosemar Tan at Rendon Labador

Noong Hunyo naman ng tila hindi umubra ang charisma ng viral social media influencers na sina Rosmar Tan at Rendon Labador matapos pumutok ang balitang idineklara silang “persona non grata sa Palawan.

KAUGNAY NA BALITA: Rendon, Rosmar pinapadeklarang persona non grata sa Coron

Nagsimula ang nasabing isyung kinasangkutan ng dalawa, matapos ang naging komprontasyon nila sa isang empleyado ng munisipyo ng Coron na nag-rant sa Facebook matapos igiit na ginamit lang daw nina Rendon at Rosmar ang kanilang bayan at mga residente para sa kanilang content at pinaasa lamang daw sa ayuda. 

Hindi pinalampas nina Rosmar at Rendon ang tirada ng nasabing staff ng munisipyo kung kaya’t nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa panig nilang tatlo. 

KAUGNAY NA BALITA: Rendon, Rosmar inulan ng batikos dahil sa 'komprontasyon' sa Coron

Tito Mars

Inulan ng batikos ang noo’y content ni Tito Mars na nagpapakita ng pagkain niya ng sardinas habang siya ay nandidiri. Mapapanood kasi noon sa nasabing content kung paano raw siya halos masuka habang inaamoy at kinakain ang sardinas. 

KAUGNAY NA BALITA: Tito Mars: 'Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!'

Bumuhos ang samu’t saring reaksiyon ng netizens na tila na-offend din dahil ang sardinas daw kasi ang kilalang “go to food” ng ilang taong nagtitipid at pinagkakasya lamang ang kanilang budget. Ngunit depensa naman ni Tito Mars: “Kasi ho ang pagkakaintindi nila, ay binabastos ko ho 'yong pagkain ng mga mahihirap. Unang-una ho, hindi ho ako mayaman. Mahirap lang din ho ako. So bakit ko kailangang bastusin 'yong pagkain ng mga mahihirap?”

KAUGNAY NA BALITA: Tito Mars sa contents niya: 'Kung ayaw n'yo, huwag n'yong panoorin!'

Boy Dila

Kahit hindi man taga-San Juan City ngunit nagawa kuhanin ni “Boy Dila” ang inis ng halos buong Pilipino matapos niyang mag-viral noong Wattah Wattah Festival. 

Matatandaang bago pa man mag-viral si Boy Dila, ay marami na ang umalma sa nasabing Wattah Wattah Festival sa naturang lungsod dahil sa abala raw na naidudulot nito sa mga motoristang dumadaan sa San Juan City sa tuwing ginugunita nila ang kapistahan ni St. John the Baptist. 

KAUGNAY NA BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'

Kaugnay ng sapilitan nilang pagbuhos o pagbasa ng tubig sa mga dumadaan, tila nag-stand out nga raw si Boy Dila matapos niyang basain ang isang delivery rider gamit ang water gun habang nakadila pa siya. Nakarating sa lokal na pamahalaan ng San Juan ang naturang insidente at siya ay pinag-public apology ni Mayor Francis Zamora. Matapos nga makilala ng publiko, pinasok na rin ni Boy Dila ang pagiging content creator. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Good Dila na!' Boy Dila, nag-sorry na 'nasira' niya imahe ng San Juan City

Trionkwentos

Usap-usapan din ang TikTok content na inupload ng isang TikTok user na si Trionkuwentos matapos makarating sa pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) ang “random train date challenge.”

Mapapanood sa challenge ang biglang paglalagay ng mesa sa loob ng tren na may kasama pang dalawang baso, kandila, at dalawang biskwit sa mesa na inihahanda ng kasamang lalaki na tila isang waiter, noong Agosto 28.

KAUGNAY NA BALITA: Huli pero 'di kulong! LRTA, sinaway content creator sa 'random train date challenge'

Jude Bacalso

Tila buong sambayanan din ang rumesbak para sa isang waiter na umano’y pinatayo ng transgender at content creator na si Jude Bacalso, matapas daw siya nitong tawaging “Sir.”

KAUGNAY NA BALITA: Bacalso, nag-sorry sa isyu ng pagpapatayo sa waiter dahil tinawag siyang 'sir'

Matapos mag-viral ang nasabing insidente, nilinaw naman ni Jude na hindi niya raw pinatayo ng halos dalawang oras ang waiter, ipinaliwanag niya lang daw ang aniya’y gender sensitivity issue habang inaantay ang kinatawan ng restaurant.

KAUGNAY NA BALITA: Bacalso, 'di raw nag-demand na tumayo ang waiter na tumawag ng 'sir' sa kaniya

Ang huling update tungkol dito ay nagsampa ng kaso ang nabanggit na waiter laban sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Jude Bacalso, kinasuhan ng waiter na tumawag sa kaniya ng 'Sir'

Diwata 

Taong 2016 nang unang mag-viral si Diwata matapos kumalat ang video niya sa isang presinto habang rumarampa. Nasangkot siya noon sa gulo matapos siyang pagtulungan ng ilang indibidwal na isinumbong niya sa mga awtoridad tungkol daw sa ilegal na droga. Habang taong 2019 naman ng mas makilala pa siya matapos ang pagsali niya noon sa isang segment ng It’s Showtime na “Miss Q and A InterTALAKtic edition.”

Biglang usbong naman ang tila cravings ng lahat sa “pares overload” matapos ma-discover si Diwata at ang kaniyang 24/7 na paresan. Tila marami ang napahanga ni Diwata sa kaniya raw pagsusumikap sa buhay dahil magmula nang mag-trending siya sa social media ay dinayo na ng customers ang kaniyang paresan.

Maraming artista rin ang nag-interview kay Diwata, hanggang sa mabigyan siya ng break na national TV at makabilang sa cast ng Batang Quiapo sa ABS-CBN. Ngunit kung gaano kabilis ang kaniyang kasikatan ay ganoon din katulin ang pagkamuhi raw ng ilan dahil sa umano’y pagiging arogante raw nito sa kaniyang fans.

Nitong nakaraang filing of Certificate of Candidacy (COC) ay ginulat ni Diwata ang marami nang samahan siya ang Vendor’s Partylist na naghain ng kandidatura para sa Kongreso bilang 4th nominee. Marami ang kumuwestiyon sa kaniyang kakayahan na maupo raw sa Kamara. 

KAUGNAY NA BALITA: Diwata, isa sa nominees ng Vendors Partylist: 'Boses para sa maninindang Pilipino!'

Jen Barangan 

Tila naging “pet-peeve” nga raw ng lahat ang kontrobersiyal na panonood ng concert ni Jen Barangan noong Nobyembre matapos niyang mag-moment at mag-lights on ng kaniyang flashlight na ikinasilaw ng iba pang audience sa kaniyang likuran. 

Nag-trending si Jen sa social media matapos ang concert noon ni Olivia Rodrigo at binansagang “new concert pet-peeve” nga raw. 

KAUGNAY NA BALITA: Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Ilan lamang sila sa mga content creator na gumawa ng ingay at pinagpiyestahan ng netizens. Ikaw, sinong content creator ang tumatak sa iyo ngayong 2024?