December 26, 2024

Home BALITA National

196 na PDL, masayang nakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko

196 na PDL, masayang nakapiling ang kanilang pamilya ngayong Pasko
Photos courtesy: BuCor/FB

Tila naging masaya ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Correctional Institution for Women (CIW) nang makasama nilang muli ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa New Bilibid Prison (NBP) ngayong Pasko, Disyembre 25.

Ayon sa Bureau of Corrections nitong Miyerkules, nasa 196 na PDLs mula sa Correctional Institution for Women (CIW) ang nakasama ang kanilang pamilya sa New Bilibid Prison (NBP), kung saan bahagi ito ng kanilang visitation program na tatagal hanggang Disyembre 28.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Director General Gregorio Pio Catapang Jr., upang makabigay-pag-asa sa mga PDL sa kabila ng kanilang pananatili sa kulungan. 

"to bring comfort and hope to PDLs. BuCor emphasized that family connections are critical to the emotional resilience and rehabilitation of PDLs, especially during holidays," anang BuCor. 

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Dagdag pa nila, "the reunion will continue over the next three days, demonstrating BuCor’s dedication to humane corrections service by addressing the emotional and psychological needs of its clientele. Through programs like this, the Bureau reaffirms its commitment to rehabilitation and compassion, even within the challenges of incarceration."