December 25, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Markki Stroem, nag-sorry dahil tinawag na 'Land of the Rising Sun' ang Pinas

Markki Stroem, nag-sorry dahil tinawag na 'Land of the Rising Sun' ang Pinas
Photo courtesy: Markki Stroem (IG)/Freepik/Pixabay

Humingi ng paumanhin si Mr. Universe 2024 4th runner up Markki Stroem sa mga Pilipino matapos magkamali sa introduction spiel ng nabanggit na kompetisyon na ginanap sa California, USA noong Disyembre 22.

Sa halip kasi na "Pearl of the Orient Seas" ang masabi niya bilang deskripsyon sa Pilipinas, ang nasabi niya ay "Land of the Rising Sun."

Ang Land of the Rising Sun ay kilalang taguri at tumutukoy sa Japan.

Ayon sa Instagram post ni Markki, Lunes, Disyembre 23, marahil daw ay kinain na siya ng nerbyos kaya nagkamali na siya sa nasabi niya.

Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024

"Happy to have represented the 'Pearl of the Orient,' the Philippines! I am so deeply sorry, I guess, sometimes nerves take over," mababasa sa post ni Markki.

Bukod sa pagiging 4th runner up ay nasungkit din ni Markki ang dalawang special awards na Best in National Costume na inspired sa Tikbalang, at Best in Talent.

MAKI-BALITA: Markki Stroem, 4th runner-up sa Mr. Universe 2024