December 25, 2024

Home BALITA Probinsya

Lalaki, hinagisan ng itak ng live-in partner dahil sa 13th month pay

Lalaki, hinagisan ng itak ng live-in partner dahil sa 13th month pay
Photo courtesy: Screenshot from Frontline Pilipinas via News5 (FB)

Isang lalaki sa Mabolo, Cebu City ang binato ng itak ng kaniyang live-in partner matapos daw niyang hindi ibigay rito ang kaniyang 13th month pay mula sa kaniyang trabaho.

Sa ulat ng "Frontline Pilipinas" sa TV5, Lunes, Disyembre 23, mula pisngi hanggang baba o chin ang naging hiwa ng 36 taong gulang na si Alvin Codera matapos nilang magtalo ng kaniyang kinakasama noong Biyernes ng gabi, Disyembre 20, dahil ayaw raw ibigay ng biktima ang kaniyang Christmas bonus. Umabot sa 12 tahi ang pisngi ng biktima.

Sa panayam ni John Aroa kay Alvin, nagsadya siya sa pulisya upang ipa-blotter ang live-in partner subalit umatras nang malamang makukulong ang kinakasama.

Paliwanag naman ng suspek na si Niña Pritos, nadala lang daw siya ng simbuyo ng damdamin at napuno na sa kinakasama dahil sa hilig nito sa pagsusugal, lalo na ang "Scatter."

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Rumesbak naman ang mga kaanak ni Codera laban kay Pritos kaya may mga galos ang mukha nito, kaya namagitan na ang barangay sa kanila.

Napagdesisyunan ng dalawa na hindi na sila magsasampa ng kaso laban sa isa't isa, subalit tuluyan na silang maghihiwalay. Ang limang anak naman nila ay patuloy pa rin daw nilang susustentuhan.