December 25, 2024

Home BALITA

Biliran Bridge, pinangangambahan dahil umuugang parang alon

Biliran Bridge, pinangangambahan dahil umuugang parang alon
Photo courtesy: Alvs Kate (FB)

Usap-usapan ang kakaibang pag-ugang parang alon sa dagat ng Biliran Bridge na nagdurugtong sa probinsya ng Biliran at mainland Leyte, Lunes, Disyembre 23.

Sa kuhang video ng netizen na si "Alvs Kate," makikitang tila umuuga ang mismong tulay at napahinto pa ang mga four-wheel vehicles na dadaan sana rito, bagama't ang ilang mga nakamotorsiklo ay nakaalpas dito.

Maririnig din ang tila kakaibang ingit o tunog ng bakal na pinangambahan ng mga motorista dahil baka biglang bumigay o mag-collapse ang tulay.

Naglabas naman ang advisory ang Department of Public Works and Highways sa kanilang official Facebook page na nagbabawal muna sa heavy equipment vehicles na dumaan sa nabanggit na tulay. Ang pinapayagan lamang ay pampasaherong vans, SUVs, at iba pang mga katulad na lighter type of vehicles.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

Sa mga pampasaherong bus naman, inaabisuhan ang mga pasahero na bumaba muna at maglakad na lamang hanggang sa dulo ng tulay. "One at a time" din ang pagdaan dito.

Sinasabing ang dahilan daw ng pag-uga ng tulay ay "heavy windy condition" at volume ng mga sasakyang dumaraan dito dahil sa holiday season.

Wala pa namang napaulat na aksidenteng naganap sa nabanggit na tulay.