Inamin ni “The Kingdom” star Vic Sotto na nasaktan daw siya sa pagpapaalis sa kanila ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE, Inc.) sa Eat Bulaga.
Sa latest episode ng “Toni Talks” noong Linggo, Disyembre 22, nilinaw ni Vic na wala raw silang masamang tinapay sa GMA Network kung saan umeere noon ang naturang noontime show.
“Ang naging problema lang namin is with TAPE. I mean, just imagine, 44 years of doing it, making money for them, and reaching them. Tapos all of a sudden, kasi dahil nagkaka-edad na raw kami, aalisin na kami,” himutok ni Vic.
“Eat Bulaga ‘yan, e. Kami ‘yon eh, you know? Si Joey [De Leon] nag-imbento no’ng title, e. Tapos we really worked hard for it. ’Di kami sumusuweldo, tinanggap namin lahat ‘yon kasi enjoy kami sa show,” wika niya.
Dagdag pa niya, “Tapos bigla-bigla na lang, the boss will call for a general meeting, announcing that, 'Tito, Vic, and Joey, thank you. Nice working with you.’ Sakit. Ang sakit no’n.”
Matatandaang nagkaroon ng problema noong 2023 sa pagitan nina Vic at TAPE, Inc. na producer ng Eat Bulaga.
MAKI-BALITA: Eat Bulaga, pagmamay-ari ng TVJ, sey ni Tito Sen: ‘That is uncontestable’
MAKI-BALITA: Problema sa pera ng TAPE, isiniwalat ni Tito Sen; utang daw kay Vic, Joey higit-kumulang tig-P30M na
Sa kasalukuyan, sa TV5 na umeere ang naturang noontime show.