January 22, 2025

Home BALITA National

PNP, nakasamsam ng tinatayang ₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal  na droga sa buong 2024</b>
Photo courtesy: Manila Bulletin/Facebook

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang halaga ng mga ilegal na droga na kanilang nasamsam sa buong taon ng 2024.

Sa pahayag ni PNP chief Police General Francisco Marbil noong Linggo, Disyembre 22, 2024, ₱20.7 bilyon ang kanilang natimbog sa buong taong operasyon bilang parte raw ng kanilang anti-drug operations mula Enero 1 hanggang Disyembre 15. 

“Our commitment to a calibrated anti-drug campaign, which puts a premium on human rights, has proven that we can dismantle drug syndicates without unnecessary loss of life,” ani Marbil. 

Ayon pa kay Marbil, umabot din sa 46,821 ang naikasa nilang operasyon kontra droga kung saan 57,129 mga indibidwal ang kanilang natimbog at naaresto.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Mula sa report ng PNP, ang PNP Calabarzon daw ang nakakaloboso ng pinakamalaking halaga ng droga na nasa ₱9.9 bilyon, na sinundan naman ng PNP Drug Drug Enforcement Group na may ₱2.4 bilyon. 

Matatandaang kabilang sa iginiit ng PNP na "bloodless" umano ang kanilang paghawak ngayon sa naturang kampanya kontra droga.