Iginiit ni Makabayan President at senatorial aspirant Liza Maza na ang pamahalaan umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang totoong kalamidad dahil sa mga programa nito sa bigas at pagkain na tinawag niyang “palpak.”
Sa isang pahayag nitong Lunes, Disyembre 23, kinondena ni Maza ang naunang ulat ng Department of Agriculture (DA) na posibleng umabot sa 4.7 million metric tons (MMT) ang rice imports ngayong taon dahil umano sa El Niño at mga bagyong tumama sa bansa.
"Ang totoong kalamidad ay ang gobyerno ni Bongbong Marcos at mga palpak nitong programa sa bigas at pagkain. Wala pa ang mga bagyo, binaba na nya ang taripa sa imported rice," giit ni Maza, na pinatutungkulan ang Executive Order (EO) 62 ni Marcos na nagpababa sa taripa ng imported na bigas mula 35% patungong 15% mula noong Hulyo.
Ayon pa sa Makabayan president, parehong ang mga magsasaka at consumer ang kawawa dahil sa nagpapatuloy na krisis sa bigas sa bansa.
"Binabarat ng mga pribadong trader ang mga magsasaka habang napakalaki naman ang patong pagdating sa mga palengke. Dahil may monopolyo sa trading, kahit bumabaha na ng imported rice at nilulunod ang kabuhayan ng ating local rice farmers, di naman bumababa ang presyo para sa mga consumers," ani Maza.
"Hindi na natuto ang gobyerno palibhasa mga padron o kamag-anak rin nila ang malalaking trader. Halos limang dekada na ang ganitong patakaran ng liberalization sa pagkain. Tumindi lang ang ating food insecurity, lumala ang gutom, at na-bankrupt ang mga magsasaka habang nagpapakabundat ang mga importer at trader," dagdag niya.
Kaugnay nito, iginiit ni Maza na dapat suportahan ng pamahalaan ang agarang reporma sa mga polisiya na isinusulong ng mga grupo ng magsasaka at consumer upang matugunan na ang krisis sa bigas, tulad ng mga sumusunod:
•tRepealing Republic Act 11203 or the Rice Tariffication and Liberalization Law and implementing regulatory measures to shield farmers from harmful imports
•tEnhancing the capacity and authority of the National Food Authority (NFA) to stabilize rice prices, procure locally produced palay, and guarantee a stable market for domestic farmers
•tExpanding production assistance and providing financial aid to farmers, including for seeds, fertilizers, and irrigation systems to boost their yields and incomes
•tProviding immediate compensation for rice crops damaged by typhoons
•tImplementing strong measures to identify and penalize individuals or groups who hoard rice supplies and manipulate market prices.”
"These reforms are doable now kung gugustuhin ng gobyerno. At dapat itong bahagi ng long-term program ng genuine agrarian reform. Give land to our farmers and build rural development. Support our farmers' capacity to produce food and feed the country at nang di tayo sobrang umaasa sa imported. Land reform and our domestic capacity to produce food are key foundations of national development," saad ni Maza.