December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

John Arcilla, napa-'p*nyeta' sa mataas na presyo ng mga bilihin

John Arcilla, napa-'p*nyeta' sa mataas na presyo ng mga bilihin
Photo Courtesy: John Arcilla (FB), Pexels

Naghimutok ang award-winning actor na si John Arcilla hinggil sa taas ng presyo ng mga bilihin.

Sa X post na nakapangalan sa kaniya nitong Lunes, Disyembre 23, sinabi ni John na kung siya nga na mas malaki ang kinikita ay nalulula na sa presyo ng mga basic commodity, paano pa kaya ang mga karaniwang mamamayan?

“Hindi ako nagyayabang na mas mataas ang kita ko sa average na wage earner at sa mas MARAMING PILIPINO. Pero PUNYETA ang taas na ng bilihin ngayon ng BASIC COMODITY sa palengke,” saad ni John.

“Mga 5-6 years ago yung 3-4 na libo pang 1 linggo na kasama na dun ang GULAY,  ISDA at KARNE. (1,500 na gulay PAMALENGKE, 1,500 na isda at karne) Ngayon pamalengke ng isang linggo 8-10 thousand pesos,” aniya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Dagdag pa ng aktor, “Kumikita ako ng mataas sa karaniwan. PERO NALULULA NA AKO SA GASTOS. PAANO PA YUNG SIMPLENG MAMAMAYAN? Kala ko ba TITINO NA TAYO? Ano na?”

Umani naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"A grocery basketful of food items will cost 2,000-2,500 now"

"Dito sa laylayan, 5-6yrs ago, yung 150 ko na pamalengke nakakaluto kami isang ulam na food namin maghapon (family of 3). Busog kami lahat. Ngayon isang meal na lang yung 150 bitin pa."

"Umasa ka pa sa mga nakaupo at naihalal ng taong bayan.  Inuna Ang pangungulimbat.  San ka pa."

"Same sentiments. Wala nangyayari sa sahod. Hindi na makaipon."

"Sir John, di na po kc mga public officials and servants ang mga  naka upo, kundi isang napakalaking sindikato ng mga scammers, magnanakaw ng kaban ng bayan.."

"Guni-guni lang po ang tino, Heneral. "

"Ang dami kasing kupitero. Nagkalat sa kongreso, senado pati na rin sa munisipyo!"

Tila likas na talaga kay John ang pagiging kritiko. Matatandaang sa isang panayam ay sinabi niyang mas gusto raw niyang punahin ang gobyerno kaysa lumahok sa politika.

MAKI-BALITA: John Arcilla, walang interes sa politika: 'Mas kritiko ako!'