January 22, 2025

Home BALITA Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race
Photo courtesy: Ben BITAG Tulfo,Erwin Tulfo/Facebook

Nanguna ang magkapatid na sina Ben at Erwin Tulfo sa inilabas na resulta ng senatorial survey ng OCTA research kamakailan. 

Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA, nanguna si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo matapos makakuha ng 73% preference. Sinundan naman siya ng kaniyang kapatid at senatorial aspirant na si Ben Tulfo na nakakuha ng 66%. 

Samantala, 9 naman mula sa 12 miyembro ng senatorial slate ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pumasok sa “magic 12”  mula naturang survey. Nasa ikatlong puwesto si dating Senate President Vicente "Tito" Sotto III na nakakuha ng 63%. Habang nasa ikalima at ikaanim na puwesto naman sina Sen. Bong Revilla at Sen. Pia Cayetano na nakakuha ng 49%. Magkasunod din sa ikapito hanggang ikasampung puwesto sina dating senador Panfilo Lacson (47%), Sen. Imee Marcos (41%), dating senador Manny Pacquiao (38%) at Sen. Lito Lapid (36%). Humabol naman sa ika-11 at ika-12 puwesto sina Sen. Francis Tolentino (32%) dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na may (30%).

Pasok naman sa ikaapat na puwesto ang isa sa pambato ng PDP-Laban na si Sen. Bong Go na nakakuha ng 52%.

Politics

Pagdalo nina Chel Diokno, Bam Aquino, Sen. Hontiveros sa Sinulog, sinalubong ng bash?

Ayon sa GMA News Online, nasa tinatayang 1,200 ang respondents ng naturang survey na mayroong ±3% margin of error at a 95% confidence level.

BASAHIN: Trust ratings nina PBBM, VP Sara, bumaba—survey