January 23, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?
Photo courtesy: Canva

“Nabigyan na ba ng 13th month pay ang lahat?”

Tuwing nalalapit ang Kapaskuhan, inaabangan ng mga empleyado sa Pilipinas ang kanilang 13th month pay—isang karagdagang monetary bonus na nakatutulong kahit papaano sa maraming Pilipino. Bukod dito, dahil din sa pagdiriwang ng Pasko. Maraming gastusin, mga handa, panregalo, bayarin gaya ng kuryente, tubig at marami pang iba na pangangailangan.

Ayon sa ulat ng GMA Public Affairs sa segment nitong “Need to Know,” ang konsepto ng taunang bonus na ito ay unang ipinatupad sa Europa bilang benepisyo ng mga kompanya para sa kanilang mga empleyado.

Sa Pilipinas, naging mandatory ang pagbibigay ng 13th month pay noong 1975 sa ilalim ng Presidential Decree No. 851 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Bukod dito, nagbibigay din ang ilang kompanya ng Christmas bonus bilang pasasalamat sa kanilang mga manggagawa.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Ang pinagkaiba ng 13th month pay sa Christmas bonus

Ang 13th month pay ay mandatoryong benepisyo sa ilalim ng batas na katumbas ng isang buwang sahod at dapat ibigay bago ang Disyembre 24. Samantala, ang Christmas bonus ay opsyonal at kusang-loob na insentibo mula sa employer bilang pasasalamat sa mga manggagawa. Nagkakaiba rin ang dalawa sa halaga ng perang maaaring matanggap ng empleyado.

Saan napupunta ang 13th month pay?

Ayon sa ulat ng “News5 Everywhere” sa segment na “Dear Dimples” ng morning show na Gud Morning Kapatid, ibinahagi ng certified public accountant at licensed financial advisor na si Bhen John Fontanilla ang payo kung saan nga ba kalimitang dapat napupunta ang 13th month pay ng marami.

1. Pagbabayad ng utang

Kapag umuutang tayo sa ating mga kaibigan, kapamilya o kakilala maging sa credit card o loan sa mga bangko dito raw napupunta kadalasan lalo na kapag may interes na kailagang bayaran.

2. Emergency Fund

Magtabi para sa mga pangyayaring emergency. Kagaya na lamang ng mga aksidente, pag-repair sa sirang parte ng bahay, o kaya naman kapag natanggal sa trabaho at walang pagkukuhaan ng sweldo. kadalasan , tatlo hanggang anim na buwan daw na monthly living expenses ang sakop nito. Kung kumikita ng sampung libo sa isang buwan dapat ang maintaining balance ay papalo sa 30k o 60k na maintaining balance.

3. Kumuha ng life and health insurance

Ipinapayo ito lalo na sa mga breadwinner, dahil hindi sigurado ang bukas at maraming puwedeng mangyari. Karamihan sa pamilya ng breadwinner ay dependent sa sahod na pinagkukunan, kung may insurance daw, kahit papaano, may maiiwan sa pamilya anuman ang mangyari. Marami rin daw ang nagkakasakit lalo na sa Pilipinas kaya naman pinapayuhan na kumuha ng health insurance para makatulong sa medical expenses.

4. Mag-save at mag-invest

Kung may natitira pa mula sa 13th month pay magandang mag-impok para naman maisabuhay ang payong “Make our money work for us.” Hangga't maaari, huwag ilalagay.lahat sa paggastos. Karapatan din ng bawat isa na maging financial literate.

5. Payo sa paggamit ng Bonus

Ayon kay wealth coach Chinkee Tan, dapat gamitin nang tama ang natanggap na bonus. Maaaring ilaan ito sa mga sumusunod:

- Puhunan para sa Negosyo

Sa halagang ₱500 hanggang ₱2,000, maaaring magsimula ng maliit na negosyo gaya ng pagbebenta ng pagkain, online selling, o ukay-ukay. Aniya, ito na ang tamang pagkakataon para palaguin ang pera.

- Emergency Fund

Mahalaga ang pagkakaroon ng pondo para sa biglaang pangangailangan, tulad ng pagkawala ng trabaho o paghina ng kita. Inirerekomenda ni Tan ang pagtatabi ng pondo na sapat para sa isa hanggang anim na buwang gastusin.

- Pagkakahati ng Bonus

Iminumungkahi niya ang paghahati ng bonus sa apat na bahagi: savings, investment, retirement, at reward. Halimbawa, maglaan ng ₱5,000 sa bawat bahagi upang matugunan ang parehong pangangailangan at kasiyahan.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang tamang paggamit ng 13th month pay at bonus ay maaaring magdala ng mas maayos na pinansyal na kalagayan at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Pilipino.

Mariah Ang