December 22, 2024

Home BALITA National

Sen. Pimentel nanawagan sa DTI; presyo ng noche buena items, pinababantayan

Sen. Pimentel nanawagan sa DTI; presyo ng noche buena items, pinababantayan
Photo courtesy: Koko Pimentel, DTI Philippines/Facebook

Kinalampag ni Sen. Koko Pimentel ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa presyo ng mga noche buena items ngayong Kapaskuhan. 

Sa inilabas na press release ng senador noong Sabado, Disyembre 21, 2024, nanawagan siya sa DTI na bantayan ang kapakanan ng mga Pilipino laban sa mga umano’y mapang-abusong negosyante. 

“Ang Pasko ay panahon ng pagmamahal at pagbabahagi. Dapat matiyak natin na hindi ito magiging panahon ng pang-aabuso at pagsasamantala,” ani Pimentel.

Dagdag pa niya: “Mahalaga na mapanatili ang patas na presyo ng mga pangunahing bilihin para sa lahat ng Pilipino, lalo na ang mga mahihirap.”

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Iginiit din ng senador na dapat daw ay magsagawa ang nasabing ahensya nang mahigpit na monitoring upang maiwasan daw ang “price manipulation.”

“Kailangan nating tiyakin na walang mang-aabusong negosyante at ang bawat Pilipino ay makakapagdiwang ng Pasko nang maayos at payapa," saad ni Pimentel. 

Bukod sa DTI, pinaalalahanan din ni Pimentel ang taumbayan hinggil sa karapatan daw nila na magkaroon ng makatarungang presyo ng mga bilihin. 

"Maging alerto at iulat sa DTI ang anumang pang-aabuso sa presyo," aniya. "Tayo ay may karapatan sa isang patas at makatarungang presyo ng mga pangunahing bilihin," giit ng senador.