January 22, 2025

Home BALITA Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?
Photo courtesy: screenshot from GMA Integrated News/YouTube

Inabot ng halos dalawang linggo bago tuluyang matagpuan ang isang Pangasinenseng Overseas FIlipino Worker (OFW) na si Michael Lumibao na hindi nakauwi sa kaniyang pamilya mula nang makabalik siya sa bansa noong Disyembre 2, 2024. 

Ayon sa ulat ng Balitanghali noong Disyembre 17, nakausap na raw si Michael ng kaniyang mga kaanak sa pamamagitan ng telepono, kung saan inilahad niyang nabiktima umano siya ng holdap at tinangay ang lahat ng kaniyang mga gamit sa isang terminal sa Maynila. 

Sa panayam ng GMA Regional TV sa kapatid ni Michael na si Elem Bautista, tatlong lalaki raw ang nasalubong noon ni Michael sa terminal na inundayan siya ng balisong habang inaagaw ang kaniyang mga gamit.

Dagdag pa ng salaysay ng mga kaanak ni Michael, pansamantala raw siyang kinupkop ng dalawang mag-asawang tindero at tindera na siyang tumulong daw sa kaniya. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagtamo ng ilang galos si Michael matapos subukang manlaban sa tatlong suspek. Naireport na rin daw sa mga awtoridad ang nasabing insidente. Nasa maayos na raw na kalagayan ang biktima na pansamantalang nakikituloy sa kanilang kamag-anak sa Laguna. Inaasahang makauuwi na raw siya sa mga susunod na araw pabalik ng Pangasinan.