December 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadine, jowa pumalag sa taxidermy ng elepanteng si Mali sa Manila Zoo

Nadine, jowa pumalag sa taxidermy ng elepanteng si Mali sa Manila Zoo
Photo Courtesy: Nadine Lustre (IG), via GMA Integrated News (FB)

Tila hindi nagustuhan ng magkarelasyong Nadine Lustre at Christophe Bariou ang balita tungkol sa taxidermy version ng elepanteng si Mali na nasa pangangalaga ng Manila Zoo.

Ang elepanteng si Mali o si Vishwa Ma’ali, na isa sa mga tourist attraction sa Manila Zoo, ay namatay noong Nobyembre 2023 dahil sa congestive heart failure at multiple cancer matapos makita ang mga tumor sa paligid ng ilang internal organs gaya ng pancreas at kidney.

Ang taxidermy naman ay isang proseso ng pagpe-preserba sa patay na katawan o bangkay ng isang hayop para i-display o pag-aralan, sa pamamagitan ng mga kemikal.

Si Mali ay sumailalim sa taxidermy sa patnubay ng veterinarian na si Dr. Jason Sumaway sa Angat, Bulacan, ayon sa panayam ni Kim Atienza ng "24 Oras" ng GMA Network.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Pag-amin ni Sumaway, kumpara sa mga aso at pusa ay talagang nahirapan sila kay Mali dahil sa laki nito, at nakikita na nilang unti-unti na siyang naaagnas.

Upang mas maging realistiko si Mali ay talagang pinintahan daw ang kaniyang katawan.

Disyembre 16 nang iuwi si Mali sa Manila Zoo, pero taxidermy version na.

Marami naman sa mga netizen ang tila umalma sa prosesong ito, dahil hindi na raw pinatahimik ang elepante hanggang sa kabilang buhay. Sana raw, hinayaan na lamang si Mali na magpahinga nang matiwasay habambuhay sa pamamagitan ng paglilibing sa bangkay nito at hayaang dumaan sa proseso ng decomposition.

Kabilang sa mga nagprotesta rito sina Nadine at Christophe sa pamamagitan ng kaniyang Instagram stories.

Sey ni Nadine, "Mali's legacy deserves respect, not display. Let her rest in peace!"

Photo courtesy: Nadine Lustre (IG)

Saad naman ni Christophe, "Even after her death, you choose not to show the minimal decency that Mali deserves, despite her lifetime of suffering. Shame on you."

Photo courtesy: Christophe Bariou (IG)

Sa isa pang Instagram story, "Mali the saddest elephant has died."

"I hope you can still rest in peace, even as your body continues to be exploited after leaving this cruel world."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Manila Zoo o maging ang lokal na pamahalaan ng Maynila tungkol dito.