December 22, 2024

Home BALITA National

Matapos mga lindol sa Ilocos Sur: 3 rehiyon sa Luzon, pinaghahanda sa posibleng tsunami

Matapos mga lindol sa Ilocos Sur: 3 rehiyon sa Luzon, pinaghahanda sa posibleng tsunami
(Courtesy: OCD/FB; Phivolcs/website)

Inalerto ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga local government units (LGUs) sa Ilocos Region (Region I), Cagayan Valley (Region II) at Central Luzon (Region III) na maghanda ng tsunami evacuation plans matapos yumanig ang sunod-sunod na lindol sa baybayin ng Ilocos Sur sa mga nakalipas na araw.

Sa isang pahayag nitong Sabado ng gabi, Disyembre 21, binigyang-diin ni OCD chief Undersecretary Ariel Nepomuceno ang mga kahalagahan ng agarang aksyon para sa naturang posibleng dumating na kalamidad.

“Regional Directors 1, 2, and 3, please work closely and urgently with your partner NGAs and LGUs, especially the DILG,” ani Nepomuceno.

“Check preparations for earthquakes, with a possible tsunami resulting from the movement of the Manila Trench. Delve into the details as discussed in the Inter-Agency Coordinating Cell meeting today. I understand that your areas are not as prepared as we desire, but we must remedy this situation now,” dagdag niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Ayon pa sa OCD chief Undersecretary, kung patuloy na bumaba ang mga pagyanig sa kanluran ng Ilocos Sur, magkakaroon pa sila ng pagkakataong siyasatin ang kanilang earthquake preparations.

“If our prayers are answered, we still have the chance to double our earthquake preparations—early warning systems, public awareness, drills, inventory of equipment and skilled personnel, and updating of plans. Take the lead; that’s your mission and role,” saad ni Nepomuceno.

“While collaborating with other agencies within the NDRRMC framework, it is essential for you to take a proactive role in leading the efforts of the OCD as a driving force in our initiatives,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Disyembre 19 nang yumanig ang isang magnitude 5.0 na lindol sa baybaying sakop ng Ilocos Sur, at sinundan ito ng iba pang mga pagyanig, base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).