“Maarte ako sa ballpen. Why? Healing my inner teenage phase.”
Tila marami ang naka-relate sa post ng Facebook page na “Klasik Titos and Titas of Manila,” noong Huwebes, Disyembre 19.
Tampok dito ang dalawang larawan: isa kung saan hawak ng netizen na si “annemazona” ang asul at pulang sign pen, at isa pang nagpapakita ng kuwento niya kung paano naging bahagi ng kaniyang “healing my inner teenage phase” ang mga ballpen na ito.
Ayon kay “annemazona,” walang trabaho ang kaniyang ama noong siya’y dalaga pa. Nakikikain daw sila sa kaniyang lola. Isang beses,nawalan ng tinta ang kaniyang ballpen at humingi ng pera sa kaniyang ina para makabili ng bago.
“Maarte ako sa ballpen. Why? Healing my inner teenager phase. My Papa was jobless that time, nakikikain lang kami kina Lola ko noon at one time nawalan na ng tinta ang ballpen ko. I asked Mom to give me some money para bumili ng ballpen,” kuwento niya.
Tumingin ang kaniyang ina sa wallet ngunit wala itong makita, maski piso. Tumalikod daw ito, nagpunas ng luha, at sinabing humingi na lang siya ng pera sa kaniyang lola. Sa halagang limang piso para sa isang “Panda” ballpen, wala raw silang maipambili noong panahong iyon.
“Tumingin siya sa wallet ni-piso wala siya, tumalikod siya at nakita ko nagpunas siya ng luha sabi hingi na lang ako kay Lola. Imagine Panda ballpen na tig-limang piso ‘di namin afford,” pagpapatuloy niya.
Ngayon, kayang-kaya na raw niyang bumili ng limang ballpen nang sabay-sabay.
“Ngayon, nagpipigil lang ako kahit limang ballpen bibilhin ko.” saad niya pa.
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“2011 sa Teacher's Camp. Future teachers convention. Sabi nung isang delegate from one province, kapag may Pilot ka daw na ballpen, sikat ka sa buong lugar nila. Diko alam ang Pilot Brand noon (laking Panda din) pero yung simple joys ngayon na ballpens, sobrang laking bagay sa iba sa atin. Cheers to all of us na nakakaluwag luwag minsan.”
“tandang tanda ko ung mga classmate kong di namimigay ng 1/4 sheet of paper and yellowpad paper kapag may quiz hahaha afford ko na ngayon kaya ung mga anak ko kahit madami pa binibilhan ko isang pad agad hahaha”
“dibaaaa.. dati kahit na 5- 10 pesos ung halaga ng ballpen hirap prin mkabili agad like pagnanghingi k sa mama mo sasabihin ma bay wala n agad ung ballpen mo wala na pambili ! ngayon hndi na masiado nagamit ng ballpen due to more on computer naman ang work paperless pa. pero we can afford na to buy.. salamat parin sa mga lesson noon kabataan natin we learn to appreciate more sa mga little things ngayon. :) PADAYON PARIN SA ATNG LAHAT!”
“Time to shift to fountain pens po. You deserve gold fine nib or a platinum. You deserve good things. you deserve the best”
“Ang Sarap siguro sa feeling na iheal ung kulang sayo nung lumalaki ka. Ako kasi hnd ko ma heal ung sarili Kông pain kasi kahit anong pilit ko iheal ung pain ko, lalo ko lang napifeel na wala na talaga,. Un ung magkaroon ng buo ất masayang pamilya.”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito ang nasabing post ay may 40k reacts, 619 comments at 3.3k shares.
Mariah Ang