January 23, 2025

Home BALITA National

Hayop at bayani puwede raw pagsamahin sa disenyo ng pera?

Hayop at bayani puwede raw pagsamahin sa disenyo ng pera?
Photo courtesy: screenshot from BSP/Facebook

May iminungkahi ang August Twenty-One Movement (ATOM) tungkol sa kontrobersyal na bagong disenyo ng polymer banknotes mula Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo kay ATOM president Volt Bohol, Linggo, Disyembre 22, iginiit niya ang importansya raw ng pagkakaroon ng presensya ng mga bayani at dating lider ng bansa sa kasalukuyang banknotes ng Pilipinas. 

“Kung hindi natin alam or unti-unti nating kakalimutan at etsapuwera sila ay baka po ay mabawasan or hindi na natin alam ang ating Filipino identity,” ani Bohol.

Dagdag pa niya, maaari din naman daw kasing pagsamahin ang imahe ng mukha ng mga bayani at hayop sa iisang disenyo.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“We can actually do that… Heroes and on other side you can place the animals,” saad ni Bohol. 

Matatandaang inulan ng samu’t saring reaksiyon ang inilabas na bagong banknotes ng BSP matapos nitong palitan ng lahat ng hayop ang mga bayaning nasa kasalukuyang pera ng bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano nga ba ang makikita sa bagong disenyo ng polymer banknotes?

Inungkat din ni Bohol na maaari daw na may kaugnayan ang pag-alis ng mga bayani sa pera sa usapin umano ng historical distortion. 

“Ano ba yung mga nangyayari, ano ba ginagawa ng gobyerno nitong mga nakaraang taon — and even way back when history distortion and revisionism started showing up on YouTube,” anang presidente ng ATOM.