December 22, 2024

Home BALITA National

De Lima, kumpiyansang maglalabas ang ICC ng arrest warrant vs FPRRD

De Lima, kumpiyansang maglalabas ang ICC ng arrest warrant vs FPRRD
(Photo: Jerry Alcayde/MB)

Iginiit ni dating Senador Leila de Lima na kumpiyansa siyang maglalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pa dahil sa umano'y paglabag sa international humanitarian law sa kabila ng paglikha ng isang  special body na mag-iimbestiga at maghahain ng kinakailangang criminal charges sa mga korte ng Pilipinas.

Sinabi ni De Lima na maaari lamang irekomenda ng Special Task Force ng Department of Justice ang mga kasong isasampa laban kay Duterte.

Binigyan ng 60 araw ang task force para mag-imbestiga, magsagawa ng case buildup, at magsampa ng mga kinakailangang kaso, kung kinakailangan laban kay Duterte, Sen. Ronald dela Rosa, at iba pang posibleng mga salarin sa umano'y extrajudicial killings sa nangyaring kontrobersyal na anti-narcotics campaign ng nakaraang administrasyon.

“It is the right of the people to be properly informed about crimes against humanity and yes, locally we have already a law, Republic Act 9851, that punishes crimes against international humanitarian law, genocide, and other related crimes against humanity,” anang dating senador sa isinagawang press conference nitong Biyernes, Disyembre 20, sa Bongabong, Oriental Mindoro.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“One of my recommendations, when I attended the quad-committee hearings in the House of Representatives, is the filing of charges against persons of the highest responsibility, notably Duterte, in their bloody drug war,” dagdag niya.

Sinabi ni De Lima na ang domestic version ng Rome Statute ay naipasa bago pa man maging miyembro ng ICC ang Pilipinas nang pagtibayin nito ang statute noong 2011.

Nag-imbestiga ang ICC nang maramdaman nilang walang seryosong paglilitis sa krimen upang panagutin ang mga taong sangkot sa EJKs na ginagawa ng gobyerno, ani De Lima.

“I attempted to investigate when I was still in the Senate but after three hearings, especially when I presented a vital witness in the person of Edgar Matobato, they stripped me of my chairmanship in the Senate Committee on Justice and Human Rights,” saad niya.

Pinasalamatan naman ni De Lima ang quad-committee sa pagbibigay ng pagkakataon at lakas ng loob sa ilang testigo at pamilya ng mga biktima ng EJKs na ibahagi ang kanilang personal na karanasan at kaalaman tungkol sa drug war.

– Jerry Alcayde