December 22, 2024

Home BALITA National

Banknotes na may nakaimprentang ‘bayani,’ mananatili sa sirkulasyon – BSP

Banknotes na may nakaimprentang ‘bayani,’ mananatili sa sirkulasyon – BSP
(Bangko Sentral ng Pilipinas)

“Philippine paper banknotes featuring the country's heroes remain in circulation…”

Ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili sa sirkulasyon ang banknotes kung saan itinatampok ang mga “bayani” sa Pilipinas.

Ito ay matapos ilabas ng BSP kamakailan ang first Philippine Polymer Banknote series kung saan makikita ang mga bagong disenyo ng ₱50, ₱100 at ₱500. 

BASAHIN: ALAMIN: Ano nga ba ang makikita sa bagong disenyo ng polymer banknotes?

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa isang pahayag noong Sabado, Disyembre 21, sinabi ng BSP na bagama’t may bagong inilabas na disenyo ng banknote, hindi pa rin daw ititigil ang sirkulasyon ng mga perang may nakaimprentang “bayani” ng bansa.

“The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched ‘First Philippine Polymer Banknote Series,’ which showcases the country's rich biodiversity,” saad ng BSP.

“The BSP has always featured the country's heroes and natural wonders in banknotes and coins.”

“Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” dagdag nito.

Matatandaang sa isang X post nitong Biyernes, Disyembre 20, iginiit ni dating senador Bam Aquino na dapat umanong magpaliwanag ang BSP sa naging desisyon nitong tanggalin sa banknotes ang imahen ng mga kilalang Pilipino, kabilang ang kaniyang titong si dating senador Ninoy Aquino at si dating pangulong Cory Aquino.

MAKI-BALITA: Bam Aquino, pinagpapaliwanag BSP sa pag-alis ng imahen ng mga kilalang Pinoy sa banknotes