December 21, 2024

Home BALITA National

PBBM, magbabasa ng libro sa bakasyon

PBBM, magbabasa ng libro sa bakasyon
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagbabasa ng libro ang nilu-look forward niyang gawin kapag nagkaroon siya ng free time sa darating na Holiday break.

Sa isang panayam na inulat ng Manila Bulletin nitong Sabado, Disyembre 21, sinabi ni Marcos na marami pa siyang librong hindi nababasa kaya’t babasahin din niya ito habang nasa bakasyon.

"Lahat tayo, we could use a little break. So, I will use the time,” ani Marcos.

“Ang dami kong libro na hindi pa nababasa. So, babasahin ko silang lahat pagka—habang bakasyon," dagdag niya.

National

FL Liza sa kanilang mga loyalista: ‘Thank you for being our light during those difficult times’

Samantala, sinabi rin ng pangulo na hindi siya kasama sa magkakaroon ng bakasyon dahil lagi raw siyang “on call” para sa kaniyang gampanin bilang punong ehekutibo ng bansa.

"Hindi ako kasama diyan. Hindi kami kasama sa bakasyon, sa holiday, sa weekend. Hindi kami kasama diyan," saad ni Marcos.

"We’re always on call. Baka may mangyari, baka may—kailangan ako. Whatever it is I’m always available," dagdag pa niya.

Mananatili raw si Marcos sa Maynila sa Christmas Eve, Disyembre 24, at sa Baguio naman sa araw ng Pasko, Disyembre 25.

Inirerekomendang balita