January 23, 2025

Home BALITA

Mga manunulat at iskolar ng panitikan, bumuo ng petisyon para palayain si Amanda Echanis

Mga manunulat at iskolar ng panitikan, bumuo ng petisyon para palayain si Amanda Echanis
Photo Courtesy: LIKHAAN: UP Institute of Creative Writing (FB)

Nagkaisa ang UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (UP-DFPP) at ang LIKHAAN: UP Institute of Creative Writing sa pag-oorganisa ng petisyon para sa political prisoner na si Amanda Echanis.

Sa Facebook post ng LIKHAAN noong Biyernes, Disyembre 20, ipinanawagan nila ang agarang pagpapalaya kay Amanda na apat na taon nang nakakulong.

“Ipinapanawagan naming mga manunulat, iskolar ng panitikan at malikhaing pagsusulat, artista at iba pang alagad ng sining, ang agarang pagpapalaya sa kasamang manunulat at aktibistang si Amanda Socorro Lacaba Echanis, na ngayon ay apat na taon nang nakakulong para sa gawa-gawang kasong isinampa sa kanya noong 2020,” saad ng LIKHAAN.

Kasunod nito ay ang panghihimok na pumirma ng petisyon sa pamamagitan ng sumusunod na link: 
https://www.change.org/p/palayain-ang-manunulat-aktibistang-si-amanda-echanis

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang hindi ito ang unang beses na naglabas ng pahayag ang UP-DFPP kaugnay kay Amanda.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Disyembre 2020, kinondena ng naturang departamento ang pagkaaresto sa kanilang alumna at nanawagan na ito ay palayain.

Si Amanda ay nagtapos sa UP Diliman sa ilalim ng programang BA Malikhang Pagsulat. Inaresto siya noong Disyembre 2, 2020 dahil umano sa illegal possession of firearms and explosives.