January 23, 2025

Home BALITA National

Libreng toll gate fee, inanunsyo ng SMC ngayong Pasko at bagong taon

Libreng toll gate fee, inanunsyo ng SMC ngayong Pasko at bagong taon
Photo courtesy: San Miguel Corporation/website

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) ang libreng toll gate fee sa lahat ng expressways na sakop ng kanilang proyekto para sa darating na kapaskuhan at bagong taon.

Ayon sa SMC maaaring dumaan nang libre ang mga motorista sa SMC's expressway mula sa pagitan ng Martes, Disyembre 24 (10:00 ng gabi) hanggang Miyerkules, Disyembre 25 (6:00 ng umaga).

Masusundan ang nasabing libreng toll gate fee mula naman sa Martes, Disyembre 31 (10:00 ng gabi) hanggang Miyerkules, Enero 1, 2025 (6:00 ng umaga).

Kabilang sa mga expressway na nasa ilalim ng SMC ay ang Skyway System, NAIA Expressway, South Luzon Expressway, STAR Tollway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ayon kay SMC chairman Ramon Ang, layunin daw nilang maibsan ang bigat ng trapiko sa bawat expressway ngayong holiday season. 

"This is our way of saying thank you to everyone who uses the expressways we operate. It is also something that we look forward to every year because it helps thousands of motorists get home to their families a little easier, especially during Christmas and New Year," ani Ang.