January 22, 2025

Home BALITA National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?
Photo courtesy: Pexels

Tinatayang nasa 26 mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) kabilang ang ilang miyembro ng University of the Philippines (UP) Vanguard, civil society at civil organizations ang sama-samang sumulat umano kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hinggil sa kontrobersyal na 2025 national budget.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Sabado, Disyembre 21, 2024, ipinanawagan daw ng nasabing grupo na ibalik umano ni PBBM sa Bicam ang naturang budget upang mas mapag-aralan daw itong muli. 

“We urge Your Excellency to use your veto power to delete extraneous clauses and support the return of monies to essential sectors that were unfairly disregarded throughout the financial process,” anang grupo. 

Kabilang din umano sa iginiit ng grupo ang pagtapyas daw sa pondo ng AFP Para sa modernization program ng naturang ahensya, kung saan bumaba ito ng ₱15 bilyon mula ₱50 bilyon. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

"Restoring the full allocation is important for maintaining the country's sovereignty and military readiness," saad ng grupo. 

Pinuna rin daw ng grupo ang ₱26 bilyong pondo para sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

"It is unclear where ₱26 billion was added for AKAP, which was initially removed by the Senate, which was a rather dubious item in the budget and which cast a shadow over other crucial needs. Besides, the targeting criteria for this social safety net is ambiguous and devoid of transparency,” giit ng grupo.

Iminungkahi rin nila na kailangan daw magkaroon ng "open assessment" ng 2025 national budget upang masiguro daw sa mga Pilipino ang malinaw na paglalaanan nito.

Matatandaang ipinagpaliban ni PBBM ang paglagda sa nabing national budget para sa 2025 kung saan kinumpirma na Executive Secretary Lucas Bersamin na may ilang probisyon daw sa nasabing panukala ang maaaring i-veto ng Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Bersamin, kinumpirma posibilidad na 'pag-veto' ni PBBM sa ilang probisyon ng 2025 nat'l budget