February 24, 2025

Home BALITA National

5,000 lagda para sa clemency ni Mary Jane Veloso, layuning makalap at isumite sa Malacañang

5,000 lagda para sa clemency ni Mary Jane Veloso, layuning makalap at isumite sa Malacañang
Photo courtesy: Gabriela Women's Party

Patuloy ang pangangalap ng mga pirma ng ilang grupo sa harapan ng Baclaran Church para umano ipakita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kanilang pagsuporta para sa agarang clemency daw ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso. 

Kabilang ang grupong Migrante International sa mga organisasyong nag-volunteer para sa nasabing signature campaign para kay Veloso. 

Ayon sa Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan (SANDIGAN), nilalayon daw nilang makakalap ng 5,000 pirma upang maisumite raw nila ito sa Malacañang hanggang Disyembre 23, 2024.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay SANDIGAN vice chairperson Rechilda Desunia, iginiit niyang kung sakali raw na hindi agad mabigyan ng clemency si Veloso bago mag-Pasko, ito na raw ang ika-15 taong niyang selebrasyon ng Pasko sa loob ng kulungan mag-isa. 

National

SP Chiz, nilinaw na 'di interesado maging Vice President

“Gusto po kasi talaga namin na makalaya na si Mary Jane ng tuluyan at bigyan po siya ni President BBM ng clemency. Yun po talaga yung hiling namin para po makasama na po niya yung pamilya niya ngayong Pasko. Kasi kapag nasa kulungan pa rin po siya, pang-labing limang taon na po niyang magpa-Paskong mag-isa sa kulungan, kaya napakasakit po sa isang ina, at isang OFW na katulad ko na ganoon yung kalagayan niya,” ani Desunia. 

Matatandaang nakabalik na ng bansa si Veloso noong Disyembre 18 matapos ang 14 na taong pagkakakulong sa Indonesia kung saan nasentensyahan siya ng bitay. Taong 2010 nang mahulihan ng iligal na droga si Veloso sa nasabing bansa matapos umano siyang mabiktima ng kaniyang illegal recruiters. 

KAUGNAY NA BALITA: Mary Jane Veloso, may hiling matapos makabalik ng bansa: 'Gusto ko na makalaya ako'

Samantala, nauna namang ihayag ni PBBM na malayo pa raw ang clemency para kay Veloso dahil kasalukuyan pa umano itong pinag-aaralan ng legal experts.

KAUGNAY NA BALITA: Posibleng clemency para kay Veloso, pinag-aaralan na ng legal experts – PBBM