December 21, 2024

Home BALITA National

‘They cannot do better!’ Apo nina Ninoy at Cory, nag-react sa bagong PH banknotes

‘They cannot do better!’ Apo nina Ninoy at Cory, nag-react sa bagong PH banknotes
(file photo)

Naglabas ng pahayag si Kiko Aquino Dee, apo nina dating senador Ninoy Aquino at dating pangulong Cory Aquino, sa pag-alis ng mga imahen ng mga kilalang Pilipino, kabilang na ang kaniyang lolo at lola, sa bagong banknotes ng Pilipinas. 

Nitong Huwebes, Disyembre 19, nang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang first Philippine Polymer Banknote series kung saan makikita ang mga bagong disyenyo ng ₱50, ₱100 at ₱500. 

BASAHIN: ALAMIN: Ano nga ba ang makikita sa bagong disenyo ng polymer banknotes?

Kaugnay nito, sa isang pahayag nitong Biyernes, Disyembre 20, iginiit ni Dee na ang hakbang umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palitan ang banknotes ay upang hindi nila makita ang “mga bayani” habang ipinagkanulo ang kanilang mga sakripisyo.

National

Sen. Padilla, PDP-Laban 'di matatanggap na makasuhan si FPRRD

“The Marcos administration has demonstrated that they don't care about accountability, healthcare, or education. Now, they are changing our bank notes, a move started by the Duterte administration, so they don't have to look our heroes in the eye while betraying their sacrifices,” giit ni Dee.

“They cannot do better. But our heroes remind us that the Filipino people can,” saad pa niya.

Matatandaang ang imahen nina Ninoy at Cory ang nakaimprenta sa dating ₱500 bills.

Si Ninoy ay isang senador ng 7th Congress at hayagang kritiko ng rehimen ng ama ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr, at isa rin sa mga unang inaresto matapos ang deklarasyon ng batas militar noong 1972.

Samantala, si Cory ang naluklok bilang pangulo ng bansa nang sumiklab noong 1983 ang EDSA People Power Revolution at nagpatalsik sa mga Marcos sa Malacañang.