December 20, 2024

Home BALITA

Larawan ng senatorial slate ng PDP Laban, umani ng samu't saring reaksiyon

Larawan ng senatorial slate ng PDP Laban, umani ng samu't saring reaksiyon
Photo courtesy: PDP Laban/Facebook

Tila maraming atensyon ang nakuha ng larawang ibinahagi ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban kung saan makikita ang line-up ng kanilang senatorial slate kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Saad ng nasabing Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 19, 2024 ang kanila raw senatorial line-up na aprubado ni FPRRD.

“'Wag po nating kalimutang suportahan ang mga opisyal na kandidatong #DuterteApproved this 2025:  (10) Atty. Jimmy Bondoc, (22) Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, (28) Sen. Christopher ‘Bong’ Go, (30) Atty. Jesus ‘Jayvee’ Hinlo Jr, (34) Atty. Raul Lambino, (38) Cong. Rodante ‘Dante’ Marcoleta, (57)Philip ‘Ipe’ Salvador” anang partido.

Bagama’t wala sa larawan, pinangalanan din ng PDP Laban si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy. 

<b>₱60 milyong tulong sa mga apektado ng bulkang Kanlaon, ipinaabot ni PBBM</b>

“Sila ang magtataguyod ng serbisyong may #TapangAtMalasakit at lideratong #TatakDuterte sa Senado,” saad ng PDP Laban.

Samantala, agad naman itong umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa ilang netizens.

“It's amazing how every single person in this picture is an example of a terrible government official.”

“Bulukin nyo lalo ang Pinas, laban.”

“Hello po, sila po ang kasama sa listahan ng mga hindi dapat iboto para sa susunod na election.”

“Salamat may list na din ako ng mga iiwasan ko.”“No to Robin and Philip the rest ok po.”“Count me out sir.”

Nagpahayag din ng suporta ang mga taga-suporta ng PDP Laban at sinabing ‘vote straight’ daw sa kanila ang nasabing line-up.

“Vote straight po!”

“Vote straight for PDP.”“Noted po sinave ko na para di malimutan and also to tell my family sino dapat i boto! ““di na kailangan pag-isipan, straight na ‘to sa akin lahat.”“Sure win ‘yan mga ‘yan.”“Vote straight solid DDS.”

Ang PDP Laban ay ang partidong kinabibilangan ni FPRRD mula nang tumakbo siya noong 2016 national elections. Si dating Pangulong Duterte na rin ang tumatayo at kinikilalang chairman nito, habang si Sen. Robin Padilla naman, na nanguna sa pagka-senador noong 2022 national elections, ang siyang Presidente ng nasabing partido.