April 06, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Enrique Gil sa MMFF film nilang ‘Strange Frequencies’: ‘It’s very raw!’

Enrique Gil sa MMFF film nilang ‘Strange Frequencies’: ‘It’s very raw!’
(Photo: MJ Salcedo/BALITA; MMFF/FB)

Ibinahagi ni Enrique Gil ang unique trait ng horror movie nilang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” na hindi pa raw niya na-experience sa mga nauna niyang mga pinagbidahang pelikula.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Enrique sa isinagawang premiere night ng Strange Frequencies sa Mandaluyong City nitong Huwebes, Disyembre 19, ibinahagi niyang ang uri ng “realismo” ng pelikula ang kakaibang naihatid sa kaniya bilang isang aktor.

“I think yung ‘realism’ na nagawa namin dito na medyo wala sa ibang pelikulang nagawa namin. Medyo may pagka-reality yung dating. Parang totoo po siya kumbaga,” ani Enrique.

“Kasi we play as ourselves, para siyang found footage style so hindi siya normal na way of shooting movies. Very personal, very raw. Iba talaga. Hindi siya glamorized,” dagdag niya.

Pelikula

'Hindi ko siya mama!' Charo, patutunayang 'may asim pa' kay Dingdong

Sinabi rin ng aktor na bagama’t hindi true story ang pelikula, talagang makikita rin ang pagka-reality nito dahil totoong haunted place ang pinag-shooting-an nila sa bansang Taiwan. 

Kinuhanan daw ang Strange Frequencies sa Xinglin General Hospital sa Tainan City, ang isa sa most haunted locations sa Taiwan.

Kasama ang Strange Frequencies sa 10 entries para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na unang mapapanood sa darating na Pasko, Disyembre 25.

Kaugnay nito, inimbitahan ni Enrique ang publikong manood ng mga pelikula sa MMFF at suportahan ang Philippine cinema.

“Sana po ay magsasama-sama tayo ngayong Pasko at manood po tayo ng pelikulang Pilipino. Dalhin po natin buong barkada, buong pamilya, at kahit mga nobya nobyo n’yo, mag-date po tayo, manood tayo ng Strange Frequencies at lahat po ng mga entries ng MMFF,” ani Enrique.

“Suportahan po natin ang Philippines cinema,” saad pa niya.