Ikinuwento ng aktres na si Alexa Miro ang very “strange” niyang karanasan sa mga unang araw ng kanilang pagsho-shooting para sa horror movie nilang “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.”
Sa ginanap na press conference nitong Huwebes, Disyembre 19, ibinahagi ni Alexa na nangyari ang nakakatakot niyang karanasan sa unang beses daw nilang mag-shoot sa Xinglin General Hospital sa Tainan City, ang isa sa most haunted locations sa Taiwan.
“Ako kasi, isa ako sa pinakamakulit, if not the pinakapasaway, sa buong cast. So during the first time of shoot na pinupuntahan ko yung mga lugar na bawal. Tapos si Zarck, he pranked me. So sumigaw ako nang sobrang lakas,” kuwento ni Alexa.
“I think I disrespected the spirits by accident. Yun yung kumapit sa akin sa tunnel. So sumunod siya sa’kin, kumapit.”
“If not for Jane (de Leon) and her mom, and everyone else in the van who told us that there’s something wrong with me, baka hindi pa napatigil yung van. Hindi pa nakapag-pray,” dagdag niya.
Dahil dito, mas naging maingat na raw sina Alexa at nagpatawag na rin ng sarili nilang Pastor habang shino-shoot ang pelikula.
Kasama ang Strange Frequencies sa 10 entries para sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na unang mapapanood sa darating na Pasko, Disyembre 25.
KAUGNAY NA BALITA: Enrique Gil sa MMFF film nilang ‘Strange Frequencies’: ‘It’s very raw!’