January 22, 2025

Home BALITA

₱60 milyong tulong sa mga apektado ng bulkang Kanlaon, ipinaabot ni PBBM

<b>₱60 milyong tulong sa mga apektado ng bulkang Kanlaon, ipinaabot ni PBBM</b>
Photo courtesy: Bongbong Marcos/Facebook, Phivolcs/video screenshot

Inihayag ng Office of the Civil Defense (OCD) na nagpaabot daw ng tinatayang ₱60 milyong tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa mga naapektuhan nang pagsabaog ng bulkang Kanlaon.

Batay sa ulat ng GMA News Online nitong Biyernes, Disyembre 20, 2024, parehong nakatanggap ng ₱30 milyon ang bayan ng Canlaon City at probinsya ng Negros Oriental.

Pinangunahan ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr. ang nagiging pamamahagi ng naturang tulong. 

Matatandaang idineklara ang State of Calamity ang probinsya ng Negros Oriental dulot ng naging pagsabaog ng bulkang Kanlaon noong Disyembre 9, kung saan itinaas sa alert level 3 ang nasabing bulkan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

KAUGNAY NA BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!

Nirekomenda naman ng OCD na mapagtuunan daw ng pansin ang anim na lokal na pamahalaang lubhang naapektuhan ng pagputok ng bulkan.

“The city recommended that further funds be allocated specifically for response efforts affecting the six local government units involved. Current conditions were complicated by low signal bandwidth in Canlaon City, hindering communication and coordination efforts,” anang OCD.

Samantala, nagpasalamat naman si OCD Central Visayas chief at Regional Task Force Kanlaon vice chairperson Joel Erestain kay PBBM.

“This funding will significantly ease the burdens of those affected by the Kanlaon eruption, especially the IDPs who will spend the holiday season in evacuation centers. It is a crucial step in ensuring that our communities receive the support they need during this challenging time,” ani Erestain.

Ayon sa OCD, tinatayang nasa 14,459 indibidwal o 4,607 pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation centers habang 1,070 mga pamilya naman ang pansamantalang lumikas sa ibang lugar.