December 22, 2024

Home BALITA National

Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, inihain ng mga pari, abogado

Ikatlong impeachment complaint vs VP Sara, inihain ng mga pari, abogado
VP Sara Duterte (Photo: House of Representatives/FB)

Inihain ng religious groups at grupo ng mga abogado ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte nitong Huwebes, Disyembre 19.

Ayon kay Atty. Amando Ligutan, kinatawan ng grupo, inihain ng 12 complaints, na binubuo ng mga pari, miyembro ng kleriko, abogado at miyembro ng non-government organization ang impeachment complaint laban kay Duterte dahil umano sa “violation of the Constitution” at “betrayal of public trust.”

Iginiit Ligutan na ang basehan ng kanilang reklamo ay ang maanomalya umanong paggasta ng confidential funds ni Duterte sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Inendorso raw ang reklamo nina Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado at AAMBIS-OWA party-list Representative Lex Anthony Colada.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Matatandaang noong Disyembre 2 nang ihain ng iba’t ibang civil society leaders ang unang impeachment complaint laban kay Duterte na inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Pagkatapos nito, noong Disyembre 4 naman nang iendorso ng Makabayan bloc sa Kamara ang impeachment complaint na inihain ng nasa 75 indibidwal laban din sa bise presidente.

MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!

Samantala, sinabi ni Duterte noong Disyembre 9 na noong nakaraang taon pa raw niya nabalitaan ang planong paghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’