Sa darating na Kapaskuhan, maraming pasyalan sa Metro Manila ang naghahandog ng mga makukulay na dekorasyon at aktibidad na tiyak na magpapasaya sa inyong pamilya at mga kaibigan.
Narito ang ilang mga lugar na maaaring bisitahin:
1. Ayala Malls Manila Bay Light Show
Nag-transform ang 1-hectare garden ng Ayala Malls Manila Bay bilang isang Christmas wonderland ngayong taon, tampok ang projection mapping light show gamit ang sining ng Filipino artist na si Robert Labayen.
Ang presentasyon ay sinasabayan ng mga Christmas classics tulad ng "Kumukutikutitap" at "Joy to the World."
Mapapanood ito tuwing Miyerkules, Sabado, at Linggo, 30 minuto mula 6:30 p.m.
2. Charriol Snow Globe Display, Alabang Town Center
May malaking snow globe holiday installation ang Charriol sa Alabang Town Center, na nagtatampok ng mamahalin ngunit mapaglarong disenyo. Bukas ito mula Disyembre 19 hanggang Enero 9, 2025.
Ang mga mamimili na may minimum na ₱20,000 na resibo sa anumang Charriol boutique hanggang Enero 8 ay makatatanggap ng isang limitadong edisyon ng Charriol holiday snow globe.
3. Meralco’s Liwanag Park
Bukas sa publiko ang Liwanag Park ng Meralco na puno ng makukulay na ilaw at eco-friendly na disenyo. Tampok ang higanteng Belen mula sa recycled copper wires, isang 20-foot Christmas tree mula sa recycled meter covers, tunnel of lights, at Higantes Festival. Libre ang pagpasok araw-araw mula 6 p.m. hanggang 11 p.m. hanggang Disyembre 31.
4. Vermosa's Holiday at Play
Muling binuhay ng Ayala Malls Vermosa ang "Holiday at Play," tampok ang makukulay na installations, interactive activities, at isang light and sound show na ginaganap tuwing 30 minuto mula 6 p.m. hanggang 9 p.m. Libre itong mapapasyalan hanggang Enero 12, 2025. Ang Vermosa ay matatagpuan sa Cavite.
5. Ayala Triangle Gardens, Makati
Kilala sa kanilang taunang Festival of Lights, tampok dito ang mga makukulay na ilaw at musika na nagbibigay ng masayang karanasan sa mga bisita.
6. Intramuros, Manila
Ang makasaysayang lugar na ito ay nagiging mas kaakit-akit tuwing Pasko dahil sa mga ilaw at dekorasyon, partikular sa Plaza Roma.
7. SM Mall of Asia, Pasay
Bukod sa kanilang malaking Christmas tree at dekorasyon, mayroon ding mga palabas at aktibidad na angkop para sa buong pamilya.
8. Bonifacio High Street, Taguig
Isang open-air shopping district na puno ng mga tindahan at kainan, na may mga espesyal na dekorasyon at events tuwing Kapaskuhan.
9. Venice Grand Canal Mall, Taguig
Nag-aalok ng kakaibang karanasan sa kanilang European-inspired na disenyo, lalo na sa panahon ng Pasko kung saan puno ng mga dekorasyon at ilaw ang paligid.
Siguraduhing alamin ang schedule at health protocols ng bawat lugar para sa isang ligtas at masayang pagbisita.
Maligayang Pasko, ka-Balita!
Mariah Ang