Nagbigay ng babala ang Colegio San Agustin Makati kay Kapuso actress Yasmien Kurdi sa ibinabahagi umano nitong impormasyon tungkol sa mga nambully sa anak niyang si Ayesha.
Sa isang bahagi ng pahayag ng CSA nitong Miyerkules, DIsyembre 18, sinabi nilang itigil dapat ni Yasmien ang pagpapakalat sa impormasyon ng mga sangkot na menor de edad sa naturang isyu dahil sa negatibong epekto nito.
“We also caution Mrs. Soldevilla to refrain from sharing information about the minor students as this tends to put them in a bad light, embarrassment, and even ridicule, not only in CSA but in the eyes of the public,” pahayag ng CSA.
“While we assume good faith in the public actions and statements of Mrs. Soldevilla, these may have unintended consequences on the students involved including her own daughter,” anila.
Pagpapatuloy pa ng paaralan, “We acknowledge that she is a public personality and perhaps used to public attention, but the other parties especially the minor students value their privacy and hence deserve respect too.
Nauna nang itinanggi ng CSA ang paratang ng bullying sa anak ni Yasmien at sinabing diskusyon lang umano tungkol sa Christmas party preparations ang nangyari.
MAKI-BALITA: Paaralan sa Makati, pinabulaanan isyu ng bullying sa anak ni Yasmien Kurdi
Samantala, nilinaw naman ng paaralan na bagama’t sinusuportahan nila ang pagbibigay ng kamalayan hinggil sa bullying, isinusulong din daw nila ang pagiging maingat sa mga hakbang pagdating sa paglutas ng problema.
Matatandaang nagsimulang umalingawngaw ang naturang isyu noong ibahagi ni Yasmine sa kaniyang social media account ang tungkol sa naranasan umanong pambubully sa kaniyang anak.
MAKI-BALITA: Anak ni Yasmien Kurdi, nakaranas ng bullying sa paaralan
Samantala, ilang araw makalipas ito, ibinahagi ni Yasmien sa kaniyang Instagram story ang tungkol sa pakikipagkita niya kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa darating na Huwebes, Disyembre 19, upang maresolba na ang problema.
MAKI-BALITA: Yasmien Kurdi, makikipagkita kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa bullying