Muling pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Indonesian government sa matagumpay na pagbabalik bansa ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.
Sa inilabas na pahayag ni PBBM sa kaniyang opisyal na social media accounts nitong Miyerkules, Disyembre 18, 2024, ipinaabot ng Pangulo ang kaniyang mensahe.
“We take this opportunity to extend our gratitude to the Indonesian government and to all who have extended assistance for the welfare of Ms. Mary Jane Veloso. We are pleased to announce that she was turned over into the custody of Philippine officials in the evening of 17 December,” ani PBBM.
Dagdag pa ni PBBM: “She arrived in Manila accompanied by officials from the Department of Foreign Affairs, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, and Bureau of Corrections, this morning, 18 December 2024.”
Pagdating ni Veloso sa Pilipinas ay siyang idiniretso sa Correctional Institution for Women (CIW).
Nabanggit din ng Pangulo na sisiguraduhin daw ng pamahalaan na mabigyan ng proteksyon ang seguridad ni Veloso, katulad daw ng naging pangangalaga ng Indonesia sa kaniya sa loob ng mahigit isang dekada.
“We assure the Filipino people that Ms. Veloso's safety and welfare is paramount and our agencies in the justice and law enforcement sector shall continue to ensure it, as our Indonesian counterparts have safeguarded it for so long,” saad ni PBBM.
Samantala, kasunod naman ng muli niyang pagbalik sa bansa, hiling ni Veloso ang clemency mula kay PBBM.
KAUGNAY NA BALITA: Mary Jane Veloso, may hiling matapos makabalik ng bansa: 'Gusto ko na makalaya ako'
Si Veloso ay nasentensyahan ng parusang bitay sa Indonesia noong 2010 matapos umano siyang mabiktima ng illegal recruitment at mahulihan ng ilegal na droga sa naturang bansa.
KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso