January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas
Photo courtesy: House of Representatives, Bongbong Marcos/Facebook

Ilang mga kongresista ang nagpahayag ng kanila raw pagrespeto sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na ipagpaliban ang paglagda niya sa 2025 national budget.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Executive Secretary nitong Miyerkules, Disyembre 18, 2024, inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi raw muna lalagdaan ni PBBM ang 20205 national budget upang muli raw munang pag-aralan ito.

KAUGNAY NA BALITA: Bersamin, kinumpirma posibilidad na 'pag-veto' ni PBBM sa ilang probisyon ng 2025 nat'l budget

Samantala, ayon naman sa pahayag na inilabas ng ilang mambabatas nitong Disyembre 18, iginiit nila ang tiwala sa Pangulo.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Para kay House Committee on Appropriations Vice Chairperson Raul Angelo Bongalon, kinikilala niya raw ang karapatan ng Pangulo sa ilalim ng Konstitusyon na mag-veto ng mga probisyon na ipinasa ng Kongreso. 

“We respect the decision of the Office of the President… Under the Constitution, the President can exercise his veto power in all laws being passed by Congress,” ani Bongalon. 

Giit naman ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre na wala raw kakaiba sa naging tugon ni PBBM dahil may kapangyarihan naman daw itong magdesisyon para sa national budget.

“Hindi po kakaiba itong pangyayari... In as much that it is Congress' duty to approve the budget, in the end it is the President’s duty also to execute the budget and his inputs, his wisdom as well as his priorities will play a big role... It's only an indication that the President is dutiful about exercising his role in the budget making process,” saad ni Acidre. 

Iginiit naman ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman na ang naging aksyon daw ng Pangulo hinggil sa 2025 national budget ay isa umanong patunay na nakikinig si PBBM sa taumbayan. 

“Welcome na welcome ang desisyon ng Pangulo na ipa-review muli yung budget natin. Ito ay nagpapatunay na sensitive ang ating Pangulo sa panawagan ng taong bayan,” ani Roman. 

Samantala, kaugnay naman ng kontrobersyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), kumbinsido daw sina Roman at Bongalon na hindi raw ito kabilang sa mga maaaring i-veto ng Pangulo.

“Naniniwala ako hindi ivi-veto ni President ‘yan eh, dahil ang feedback naming district congressmen is malaking tulong talaga,” saad ni Roman.

Dagdag naman ni Bongalon: “Hindi ako naniniwala na yung pondo para sa AKAP ay ivi-veto ng ating Presidente. Isa ito sa mga programa na nag-address sa problema ng ating mga kababayan.”