Naglabas ng pahayag ang Colegio San Agustin Makati hinggil sa isyu umano ng bullying sa anak ni Kapuso actress Yasmien Kurdi na si Ayesha.
Sa Facebook post ng CSA nitong Miyerkules, Disyembre 18, itinanggi nila ang paratang ni Yasmien sa inilabas nitong pahayag sa social media account nito.
“It is unfortunate that an incident among minor students have been blown out in the public. At the outset, there appears to be no bullying that happened on December 10, 2024, but rather a situation where students were discussing about Christmas party preparations,” saad ng CSA.
“The school has immediately addressed the matter among the students and parents involved. The school is handling the matter with caution, circumspect, and confidentiality because the students involved here are minor children,” anila.
Dagdag pa ng CSA, hinihimok daw nila si Yasmien na makipagtulungan upang maresolba ang naturang isyu sa loob ng paaralan sang-ayon sa pagtalima sa Department of Education (DepEd) orders.
Matatandaang kalakip ng naturang post ni Yasmien ang detalye ng naranasang pambubully ng kaniyang anak mula sa mga kaklase nito.
MAKI-BALITA: Anak ni Yasmien Kurdi, nakaranas ng bullying sa paaralan
Samantala, ilang araw makalipas ito, ibinahagi ni Yasmien sa kaniyang Instagram story ang tungkol sa pakikipagkita niya kay DepEd Secretary Sonny Angara sa darating na Huwebes, Disyembre 19, upang maresolba na ang problema.
MAKI-BALITA: Yasmien Kurdi, makikipagkita kay DepEd Sec. Sonny Angara dahil sa bullying
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang aktres hinggil sa naturang isyu.