Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na tulungan ang mga garbage collector sa pamamagitan ng maayos na pagtatapon ng basura ngayong Holiday Season.
"Ngayong Holiday Season, iwasan ang basta-bastang pagtapon ng basura," anang MMDA sa isang social media post.
"In the spirit of Christmas, tulungan natin ang ating garbage collectors sa pamamagitan ng pag-segregate ng ating basura," dagdag pa nila.
Sa naturang post, makikita ang color coding sa tamang pagtatapos na basura.
Green para sa biodegradable wastes. blue sa mga recyclables, black para sa naman sa non-biodegradable, pula sa mga hazardous wastes, at dilaw naman para sa infectious waste.
"Huwag na nating antayin ang bagong taon para baliin ang ating bad habits," saad pa ng MMDA.