December 18, 2024

Home BALITA National

Kasunod ng pagbalik ni Mary Jane Veloso sa bansa, PNoy nag-trending sa X!

Kasunod ng pagbalik ni Mary Jane Veloso sa bansa, PNoy nag-trending sa X!
Photo courtesy: GMA News, News 5/Facebook

Muling nabuksan sa social media platform na X ang naging ambag daw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa kinahinatnan ng kaso ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.

Nitong Miyerkules, Disyembre 18, 2024, matagumpay na nakabalik ng bansa si Veloso matapos ang halos 14 na taong pagkakabilanggo sa Indonesia nang mahulihan umano siya ng ilegal na droga sa naturang bansa. 

Kaugnay nito, tila hindi naiwasan ng ilang netizens na ungkatin ang pangalan ng yumaong dating Pangulo nang malagay sa death row si Veloso noong 2015, sa panahon ng kaniyang administrasyon.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso

National

Gobyerno, CPP-NPA, walang tigil-putukan sa holiday season<b>—Teodoro</b>

May ilang netizens kasi ang nagsabi na tila nakalimutan daw na pasalamatan ang naging mga hakbang noon ng PNoy legacy na siyang pansamantalang nakapag-antala sa pagsalang ni Veloso sa firing squad, ilang oras bago ang kaniyang execution.

“If it wasn’t for Pnoy, she’d be dead by now.”

“Hoy! Kung hindi kay Pnoy nabitay na yan. Hindi manlang namention???”

“How about thanking PNoy and Albert del Rosario and Widodo who managed to stay your hanging?”

“Everybody say "Thank you PNoy!" kasi mukhang ni isa sa kanila walang mag-acknowledge nun. Kaya tayo na lang siguro.”

“PNoy made the crucial phone call that stayed her execution. Please mention that.”

“Never forget that it was PNoy who saved her from the Indonesian firing squad at the last minute. Walang family reunion na ganito if the Aquino administration didn't pull through.”

Matatandaang nauna na ring kilalanin ni senatorial aspirant Ping Lacson si PNoy at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kanilang nagawa para sa kaligtasan ni Veloso.

KAUGNAY NA BALITA: Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso